Tignan: Ilog na tuyong-tuyo sa kalagitnaan ng desyerto sa Israel biglang dumaloy ang tubig at hindi malaman kung saan nagmula

Loading...

Alam naman ng karamihan sa atin na kapag sinabing desyerto ay isa sa pinaka-mainit na lugar na madalang lang ang makikita mong tubig. Dahil rin sa kakaibang panahon ay mayroon lamang ilan species na hayop ang kayang manirahan at makatagal sa lugar na ito.

Ngunit may kakaibang pangyayari na hindi inaasahan kung saan marami rin ang ikinabigla ito dahil sa biglaan na pagkakaroon ng tubig sa isang tuyo na ilog sa kalagitnaan ng desyerto na ito.

Ang naturang video ay ibinahagi ng Viral TRND Facebook page na kung tawagin itong Zin River na matatagpuan sa Negev Desert sa Israel.

Sa una ay mapapansin talaga na isang patay na ilog kung pagmamasdan ito. Sa paligid naman ay mapapansin na bilang lamang ang halaman na narito dahil sa kakulangan sa tubig.

Ngunit paano nga ba nangyari na bigla na lamang na dumaloy ang tubig sa ilog na ito? Ayon naman daw ay dahil sa malakas na ulan mula sa bulubunduking bahagi sa lugar ngunit ilan milya pa ang layo nito sa desyerto.

You Won't Believe This Desert Miracle

You Won't Believe This Desert MiracleCredit: storyful

Posted by VTRND on Saturday, 6 January 2018

Ang pinagtataka pa ng ilan ay bakit nasakto ang daloy ng tubig sa ilog na tuyong tuyo. Ang tubig baha na ito ay tila bumuhay sa tuyong tuyo na ilog sa kalagitnaan ng desyerto kung saan maraming humanga na tao na nakasaksi sa pangyayari na ito.

Maituturing nila isa itong himala ito dahil sa tagal ng panahon ay hindi nagkakaroon ng tubig ito at nabuhay muli ito sa kalagitnaan ng desyerto. Nagpapasalamat din sila ng lubos dahil matagal na nila ipinapanalangin ito.

Loading...