Guro, hinintay at pinakasalan ang kanyang dating estudyante matapos ang pitong taon 

Loading...

Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad, hitsura, kasarian, kayamanan o estado pa ng buhay kapag ikaw ay umibig at ang tadhana ang gumawa ng paraan.

Pinatunayan ito ng mag-asawa na mula sa Indonesia na sila Erwin at Vinda. Si Erwin ay isang guro at si Vinda naman ay kanyang estudyante.

Ang kanilang agwat na edad ay 14 na taon. Nabuo ang kanilang pagtitinginan noon 13  taong gulang pa lamang si Vinda samantala si Erwin naman ay nasa 27 taong gulang.

Ang unang nagparamdam daw ng pagmamahal ay si Vinda na sinasabi ng iba ay puppy love lamang ang kanyang nararamdaman para sa kanyang guro.

Sa pagtambay sa loob ng classroom ni Vinda pagkatapos ng klase at pagtatanong sa kanyang guro ang ginawang hakbang ni Vinda upang mapansin siya ng kanyang guro.

Nang mapansin ni Erwin ang ginagawang pagpapansin ni Vinda at malaman na may lihim na pagtingin ito sa kanya ay may nararamdaman na din pala ito sa kanyang estudyante at doon nagsimula ang kanilang pag-iibigan.

Marami ang pinagdaanan ng dalawa bukod sa mga negatibong mga komento sa kanilang paligid na maaari ibato sa kanila.

Hinintay na lamang ni Erwin si Vinda sa kanyang tamang edad at mahigit pitong taon upang sila ay magpakasal.

Ngayon ay masayang nagsasama na ang dalawa na walang alinlangan at lalo nila pinagtitibay ang kanilang pagsasama.

Noong 2018 ay nagpakasal sila at ngayon ay may-anak na. Ito ay isang simbolo na ang pagmamahal ay walang pinipiling edad, kasarian o estado basta kayo ay dalawang tunay na nagmamahalan ay walang makakapigil pa.

Loading...
Tags: