Photographer, natagpuan ang kanyang matagal nang nawawalang ama sa hindi inaasahang pagkuha ng litrato

Loading...

Isang photographer ang hindi inaasahan na matatagpuan ang kanyang ama sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan.

Si Diana Kim ay isang Korean-American Photographer. Hindi naging madali ang kanyang buhay habang sya ay tumatanda dahil sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang noon siya ay limang taon gulang pa lamang.

Ilan beses na din siya sumubok na hanapin ang kanyang ama ngunit siya ay nabigo. Hind rin siya tumigil na mahanap ang kanyang ama dahil umaasa pa din siya na matatagpuan ito.

Dahil ang kanyang propesyon ay photographer, natagpuan niya ang kanyang nawawalang ama sa pamamagitan ng pagkuha niya ng mga litrato.

Isang pulubi ang kanyang namataan at hindi siya nagdalawang isip na kuhaan ito ng litrato. Mahilig si Dianan kumuha ng mga litrato sa mga taong nasa lansangan.

Ayon kay Diana, ” I feel that I can understand their pain from a certain angel.”

Ito ang kanyang napili dahil ramdam niya ang paghihirap ng mga taong ito dahil din sa kanyang karanasan noong bata pa lamang siya.

Nang kuhaan niya ng larawan ang isang matandang pulubi, hindi niya inaakala na ito ay ang kanyang ama na matagal nang nawawala.

Hindi lubos akalain ni Diana na ang kanyang hilig sa pagkuha ng larawan sa mga taong lansangan ay siyang daan upang matagpuan ang kanyang ama. Napag-alaman din niyang may karamdaman ang kanyang ama na schizophrenia.

Labis naman ang kanyang kasiyahan at pagkakaroon ng awa sa ama kaya naging determinado siyang tulungan ito at makasama muli.

Loading...
Tags: