Lalaki na 33 anyos masayang masaya sa piling ng kaniyang misis na 67 taong gulang

Loading...

Ang pag-ibig ay wala sa edad, hitsura at panahon. Kapag tadhana ang gumawa ng paraan ay talagang ibibigay ka sa tamang tao.

Gaya na lamang nitong tipikal na love story na inyong matutunghayan na ikakabilib rin ng marami dahil sa kanilang wagas na pagmamahalan sa kabila ng kanilang agwat na edad ay hindi inalintana.

Ang agwat ng magkasintahan na ito ay nasa 34 years. Ang mag-asawang ito ay walang iba kundi si Danny at Lorna Cortezano.

Inaakala ng iba ay mag-ama sila sa tuwing sila ay lalabas dahil makikita ang pagmamahalan sa dalawa. Ang hindi alam ng nakararami ay Misis ni Danny si Lorna at hindi nanay.

Marami silang negatibo na naririnig sa kanilang paligid ngunit hindi sila nagpatinag at naging positibo. Pinatunayan nila ang kanilang pagmamahalan at nangako sa isa’t isa na habang sila ay nabubuhay ay aalagaan at mamahalin ang isa’t isa.

Paano nga ba nabuo ang kanilang love story? Si Danny ay isang tindero ng ”prepaid love” habang suki naman nito si Lorna. Madalas ay tinetext lamang ni Lorna si Danny upang magpapaload sa kanya.

Aminado si Lorna na humahanga siya kay Danny dahil ito ay magalang, masipag at responsable sa buhay.

Lumipas ang ilan buwan ay napamahal na nga itong si Danny sa kaniyang suki na si Lorna at kung tawagin niya pa ito noon ay ”Madam Lorna”.

Nanligaw si Danny noong taong 2011 at sila ay naging magkasintahan. Sa laki ng agwat ng kanilang edad ay hindi naging alintana dahil naging maayos at matiwasay ang kanilang pagsasama. Taong 2012 naman sila ay nagpasya na magpakasal.

Gaya sa ibang mag-asawa, dumaan din sa mga pagsubok ang mag-asawa na ito ngunit hindi sila nagpatinag sa halip ay ginawa pa nilang pundasyon ang mga pagsubok upang tumibay ang kanilang pagsasama.

Loading...