Isang aso palaging nasa harap ng altar tuwing may misa, ang dahilan ay talagang maraming netizens ang napaluha

Loading...

Isa sa madalas natin gawin ay ang pagbisita at pagsimba sa Simbahan kung saan para magpasalamat sa biyayang natatanggap natin araw-araw.

Kadalasan tuwing Linggo araw nang pahinga ng mga tao ay sama-sama ang isang buong pamilya upang magsimba.

Paano kung mapansin niyo na palagi ninyong nakakasabay sa pagsisimba ay isang aso at nasa harap pa ito ng altar na nakaupo habang kayo ay nagsisimba?

Gaya na lamang ng senaryo na ito. Maraming tao ang madalas makita ang aso na ito sa harap mismo ng altar habang may misa.

Hinahayaan na lamang ito ni Father at mga tao na nagsisimba sa simbahan na ito dahil may malalim at nakakalungkot ang kwento nito kung bakit siya naroon palagi.

Kamakailan lamang ay naging viral sa socmed ang aso na ito na umanong nakikinig sa misa at tila may inaabangan din.

Ang aso na ito ay matatagpuan sa San Donaci sa Italya. Ang mga residente dito ay hinahayaan ang aso na ito at hindi naman sagabal sa kanila.

Ang pangalan ng aso na ito ay si Tommy. Kinupkop ito ni Maria Margherita Lochi nang matagpuan niya ito sa bukod na hindi kalayuan sa kanyang tahanan.

Madalas din kasama ni Tommy si Maria tuwing sila ay nagsisimba. Bagamat, sa isang nakakalungkot na pangyayari ang nag-aalalaga sa kanya na si Maria ay namayapa na.

Ang aso na si Tommy ay naghihintay sa pagbabalik sa kanyang pinakamamahal na amo.

Sa harap ng altar kung saan nakaupo si Tommy ay dun ang huling sandali na nilagay ang kabaong ni Maria na hindi na muling nakita pa ulit ni Tommy. Umaasa lamang siya na babalik pa si Maria sa lugar na iyon.

Tuwing pupunta si Tommy sa simbahan ay madalas na inuupuan ni Tommy yung lugar kung saan madalas na inuupuan ni Maria.

Hinahayaan naman ito ng mga pari at tao dahil sa nakakalungkot na kwento ng aso na ito.

Isang nakapanlulumong karanasan at kwento ng kawawang aso na ito. Isang aso ngunit ang kanyang memorya ay parang tila isang tao at kung magmahal ay wagas na hihintayin pa rin nito kahit walang kasiguraduhan.

Loading...
Tags: