Bus Byaheng Bicol, parang eroplano dahil may sariling restroom, pwede kumain, humiga, mag-charge, manood at mag-soundtrip viral sa socmed

Loading...

Madalas ang ating mga kababayan tuwing uuwi sa kanilang mga probinsya ay kanilang sinasakyan ay Bus.

Minsan sa haba ng byahe ay kailangan pa mag stop-over nito kung saan para makapagbawas at makapag-cr ang mga pasahero.

Kadalasan din sa haba ng byahe ay nalo-lowbat ang kanilang cellphone kung saan hindi nila ito magamit. At minsan pa may ibang pasahero na gusto lamang nila na walang katabi lalo na mahaba ang byahe.

Ang lahat ng kagustuhan na yan ng mga pasahero ay naisakatuparan na ng isang Bus na Raymond.

Sa isang post ng Facebook page na Vlog Pinoy, ibinahagi nito ang mga larawan ng isang bus kung saan parang eroplano ang hitsura ng loob na ikinahanga ng mga netizens.

Makikita sa loob ng bus na ito na may pang solo na upuan. Nai-ihiga din ang upuan na ito kung sakali ay gusto mong matulog na talang mare-relax ka at hindi mo ma-alintana ang iyong pagod sa byahe.

Sa bawat upuan ay may sarili din itong mga telepad kung saan maaari ka makapag-charge, makapag-soundtrip at makapanood ng movie. May mga sarili din table kung saan ay maaari ka kumain na hindi matatapon ang iyong kinakain.

Makikita din sa ambiance ng bus na ito ay talagang maaliwas at talagang makokomportable ka. May sarili din itong CCTV.

Ang ikinatuwa pa ng mga netizens na ito ay ang pagkakaroon ng sariling restroom kung saan kailangan na kailangan ito ng mga pasahero.

Nag-viral ang post na ito dahil talagang maraming netizens ang natuwa at ikinahanga sa modernong bus na ito. Narito rin ang ilan komento ng mga netizens.

Masasabi talagang moderno dahil ang hitsura nito ay parang nasa eroplano ka. Ang dalangin lang ng ibang pasahero ay ang maging ma-ingat ang driver sa pagpapatakbo nito.

Wow sarap umuwi ng bicol.nice one RaymondCtto

Posted by Vlog"pinoy, on Tuesday, 4 February 2020

“Suki na ako ng Raymond, ang nagustuhan ko sa bus na ito kahit mabilis magpatakbo safe naman dahil mukhang experienciado ang mga driver mababait pa.”

“Sana ganito masakyan ko kapag umuwi ako ng Bicol, para hindi alintana yung pagod.”

“Nakasakay na ako dyan, Mahal lng pero sulit bayad mo.”

“Uwi na din kaya ako ng Bicol parang mag eenjoy ako sa pag sakay jan eh nakakamiss lang.”

Loading...
Tags: