Isang babae ang nagmahal ginamit ang kanyang puso at hindi ang kanyang mga mata, hinangaan ng maraming netizens

Loading...

Aminin natin na karamihan sa mga tao ngayon ay ang panlabas na anyo. Ayon pa sa iba, dehado daw ang mga walang itsura dahil mas pinipili ngayon ang mga may magandang panlabas na anyo sa mga kalalakihan at kababaihan.

Ngunit may iilan pa din naman na puso ang ginagamit sa pagmamahal hindi ang kanilang mga mata.

Gaya na lamang ng senaryo na ito, isang 24 year old na babae na mula sa Thailand. Siya ay si Phatsara Obnak na nainlove at hindi nagdalawang isip magpakasal ay Boonme Khanthong na nasa 38 taong gulang.

Kahit na may mali sa panlabas na anyo ni Boonme ay pinatunayan niya ang kanyang pagmamahal dito. Hindi rin mayaman si Boonme bagkus napaka-simple lamang ng buhay nito.

Isa si Phatsara na nagpapatunay na hindi batayan ang hitsura at estad0 ng buhay ng isang tao tungkol pagmamahal.

Ayon din sa Thai News Agency, Naganap ang kanilang kasalan sa isang village sa Northeastern sa probinsya ng Surin, Thailand.

Sa isang interview, ibinahagi din Boonme Khantong patungkol sa kanyang mukha. Noong bata daw siya ay nakaranas siya ng pagkasira ng kanyang capillaries. Dinala siya sa Siriraj Hospital sa Bangkok ngunit hindi pa rin nalunasan ang kanyang sakit.

Dahil rin sa kakulangan sa pinansyal ay hindi na rin nakuha mapagaling si Boonme.

Si Boonme ay nakatapos lamang hanggang sa ikalimang baitang ng elementarya kaya hirap din siya maghanap ng trabaho at hirap din siya sa pananalita kaya hirap din siyang intindihin ng ibang tao.

Tinulungan siya ng kanyang kaibigan para magkaroon ng Trabaho. Bukod sa kanyang trabaho, tinutulungan din ni Boonme ang kanyang kapatid para magtinda ng papaya. Dito niya nakilala ang kanyang mapapangawa na si Phatsara Obnak.

Hindi kalaunan ay minahal ni Phatsara si Boonme dahil sa sobrang maasikaso nito at pag-aalaga sa kanyang anak sa dati niyang asawa.

Ito ang pagpapatunay na hindi hadlang ang hitsura sa pagmamahalan bagkus mas natatalo pa talaga ang hitsura kapag may mabuti kang kalooban at mabuti ang hangarin.

Loading...
Tags: