Bahay na tinirahan at naging saksi sa pagmamahalan nina James Reid at Nadine Lustre, usap-usapan ibinebenta na

Loading...

Kilala sina James Reid at Nadine Lustre dahil sa kanilang tambalan na pumatok sa kanilang fans kung saan sila ay nagmahalan at ang kanilang relasyon sa totoong buhay ay sinubaybayan rin ng nakararami.

Ang kanilang relasyon ay talagang nakasubaybay ang kanilang mga taga-hanga magmula umpisa hanggang sa dumating sa punto ng kanilang paghihiwalayan.

Kinumpirma nina James at Nadine kamakailan lang na sila ay naghiwalay na kaya maraming mga fans ang nagulat at nalungkot sa balitang ito.

Hindi naman na naglabas ng iba pang detalye sina James at Nadine at nanahimik na lamang sa kung anong totoong nangyari at dahilan upang matuldukan kagad ang usapin na ito.

Dahil din sa hiwalayan na ito, usap-usapan din na binebenta na daw ng aktor na si James Reid ang kanilang naging ”love nest” ng dating kasintahan na si Nadine Lustre.

Ayon sa ulat ng Philstar, ang Pod na pagmamay-ari ni James Reid isang subdibisyon sa Quezon City kung saan sila ay nagsama ng dating minamahal na si Nadine na ngayon ay binebenta na umano ito.

Mula naman sa ibang source ay nagawa raw ito ibenta ni James upang kalimutan na ang mga nangyari at tuluyan makapag-move on. Lumipat na rin umano si James Reid sa bagong bahay nito.

Loading...
Tags: