Panoorin: Lola, sinesermonan ang alagang aso dahil mahilig umano itong gumala at hindi namamansin

Loading...

Ang aso ay madalas natin makikita na ang nag-aalaga ay ang ating mga lolo at lola dahil ito ang kanilang mas nakakasama ngayon kaysa sa kanilang mga anak na may pamilya na.

Ang mga aso ay maituturing talaga natin na sariling anak at parte ng ating pamilya. Madalas pa ay mas ginagastusan pa ito kaysa sa pansarili dahil sa mga gamit at pagkain nito ay mas mahal pa kaysa sa tao.

May iilan aso din na tila parang tao kung mag-isip kaya naman kung ituring ito parang baby talaga.

Gaya na lamang ng senaryo na ito na nag-viral sa online na ang isang lola ay sinesermonan ang kanyang alagang aso dahil daw umano mahilig itong gumala.

Sa video na ibinahagi ni Leni Legaspi Abani, parang tila isang tao na nakikinig ang asong si Bagani habang pinapagalitan ng matandang babae.

Habang pinapagalitan si Bagani ay nakaupo siya sa isang silya na parang tila nagsisisi na sa kanyang nagawa.

Sa video ay makikita na panay ang tingin sa nagbahagi ng uploader ng video na nagpapahiwatig sa paghingi niya ng tulong.

Yan s bagani,,

Posted by Lenie Legaspi Abani on Tuesday, 31 December 2019

 

Sinermonan umano si Bagani dahil sa paglakwatsa at hindi pagpansin nang siya ay tinatawag.

Ayon kay Lenie, nahihirapan silang pagalitan si Bagani dahil sa kakulitan nito at sana ngayon ay magtanda na siya matapos mapagsabihan ng kanilang lola.

Umabot na sa 35,000 views ang video na ito kung saan kinaaliwan ito ng mga netizens dahil sa nakatutuwang eksena. Narito rin ang ilan komento ng mga netizens na talagang nagiliw sa eksena na ito.

“Hahaha parang bata kung pagalitan. Hindi sumasagot! Nakakatuwa naman ito.”

“Ayan kasi hindi nagpapaalam tuwing aalis! Magpaalam ka kasi para hindi ka mapagalitan ni lola.”

“Naku kang bata ka, alam mo naman maraming sasakyan sa labas pagala gala ka pa. Nasermona ka tuloy ni lola.”

Loading...
Tags: