Doktora, umalma at hindi nakapagtimpi na patulan ang mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa NC0V

Loading...

Maraming Pilipino ang naa-alarma ngayon dahil sa maraming nagbibigay ng kanya-kanyang pahayag o haka-haka sa socmed patungkol sa 2019-NC0V kaya nagiging maling impormasyon na ito kapag pinagpapasa-pasahan.

Bagamat, isang doktor ang diretsahan pinatulan at umalma sa mga netizens na gumagawa ng kanilang sariling paniniwala tungkol sa naturan v1rus.

Nagpost si Dra. Lotis Casiple- de Guzman sa kanyang socmed account patungkol sa NC0V. Ayon sa kanya ay sinusubukan niyang manahimik at huwag makisali sa usapin ngunit hindi rin niya napigilan ang kanyang sarili na maglabas ng saloobin tungkol sa mga maling payahag at haka-haka ng mga netizens kaya ang iba ay patuloy na naa-alarma.

Dagdag pa niya sa kanyang post na sana ay intindihin muna ang balita dahil gumagawa naman ng aksyon at paraan ang DOH. Sa katunayan, sumasailalim sa examine ang bawat pasahero at tinitignan din nilang mabuti ang mga guidelines na kailangan malaman at sundin kung sino ang dapat ipadala sa ospital at sa hindi.

Sa kanyang paglilinaw din, kaya kailangan dalahin ang mga tests na inoobserbahan ng mga doctor na maaring may NC0V ay dahil wala pa rin available na specific test dito sa ating bansa.

“Ayoko sanang pumatol sa mga maraming nagfe-feeling all-knowing, overnight experts, giving their left and right baseless opinions. Mga sobrang triggered, that others even blatantly wish death for our dear health secretary and his family. Meron ding mga walang bukang bibig kundi “wala kayong ginagawa!”. Patola ako ngayon. Isa-isahin natin.” Ayon sa panimula ng Doktor sa kanyang post.

Marami rin nagpapasalamat sa Doktora na ito at naging kalmado ang ilan netizens dahil sa pahayag ng doktora. Ang ibang netizens ay updated na din tungkol sa kanya upang malaman kung ano ang dapat gawin at sa hindi dapat gawin.

Loading...
Tags: