Tatlong Chinese nationals na nasa Pinas, nakaranas ng pang-ookray mula sa mga tambay na Pinoy dahil sa NC0V

Loading...

Isa sa kinahaharap ng marami ay ang paglaganap ng NC0V kaya naman ang nakararami ay mas iniingatan ang kanilang sarili upang maiwasan na madapuan ng naturan sakit.

Karamihan din sa mga Pinoy ang iniisip ang seguridad at ang mga magulang ay patuloy na nagpapaalala sa kanilang anak para sa kaligtasan.

Lahat naman tayo ay gusto maging mabuti ang kalusugan at maiwasan ang lumalaganap ngayon na maaari kang dapuan anuman oras.

Kamakailan lamang ay humarap ang Pilipinas sa isang hamon tungkol din sa kalusugan at kaligtasan bunga ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Ngayon naman ay humaharap tayo sa pangkalusugan din dahil sa banta ng ‘corona virus’ na nagmula diumano sa Tsina. May mga ilan bansa na din ang apektado sa naturan NC0V.

Talaga naman napakahirap maging kampante sa panahon ngayon lalo na kabi-kabilang mga balita ang mga nangyayari ngayon at lumalawak na din ang naapektuhan ng naturan sakit.

Kamakailan lang din ay napag-usapan ang ibinahagi ng isang netizen na nakilala na si Jehan Dienzo. Noong Enero 27, 2020 na mayroon siyang nasaksihan na isang pangyayari na hindi niya inaasahan.

May nakita siya tatlong Chinese nationals na dumaan sa isang eskinita kung saan may sumigaw na mga Pinoy na nakatambay na, “ayan na yung mga corona virus!”

Ikinadismaya ito ng netizen na nakakita dahil sa hindi magandang pagsasalita at hindi kanais-nais na mga bagay na mula sa ibang Pilipino.

I just saw this chinese nationals as in now lang. Nung pagkadaan nila sa eskinita biglang nagsigawan yung 3 tambay na "…

Posted by Jehan Dienzo on Monday, 27 January 2020

Agad naman nag-viral ang post ni Jehan at ang mga netizens ay may iba’t ibang komento din tungkol dito.

“Hindi kasalanan ng Chinese people kung may ganito. Its God’s will at lahat ng nangyayari sa mundong ito ay nakasulat. Huwag mang husga Diyos lang ang may karapatang manghusga sa lahat ng nilalang sa LUPA.”

“Safe sila nasa pilipinas sila e galing lang sa bansa nila yung sakit”

“Kawawa na nga mga chinese… Dinown pa ng mga tambay… Sana nalang yung mga masama nalang ang maparusahan ng sakit”

“Wag naman sana ganun di nila kagustuhan mgkasakit ng ganyan ang bansa nilang pinagmulan sobra din tlga minsan ugali ng mga kapwa pinoy”

Loading...
Tags: