Nakatuklas na Doktor sa S-A-R-S, nagbahagi ng ideya kung paano maiiwasan ang NC0V

Loading...

Ang NC0V ay mas kilala sa novel corona virus ay isa sa pagsubok sa nakararami at gumimbal na sumalubong ngayon pagpasok ng taon 2020.

Marami ang nahawaan at mabilis na umakyat ang naapektuhan nito na sumailalim sa matinding pagsusuri.

Ang mga sintomas nito ay katulad sa pneumonia. Ito ay ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, sipon at kinakapos sa hininga.

Naglabas din ng isang Chinese Pulmonologist na si Zhong Nanshan ng ideya kung paano makaiwas sa naturan sakit.

Ang doktor na si Zhong Nanshan ang sinasabi na nakatuklas ng S A R S noong taon 2003 at ngayon nagpost sa Facebook tungkol naman sa N-C0V upang makatulong sa lahat.

Ang salitang Chinese ay agad naman na-itranslate sa Ingles at nai-share ni JP Faura na isa rin concerned netizen.

Iginiit ni Nanshan sa kanyang post ang kalahagahan ng pagbabanlaw ng lalamunan gamit ang maligamgam na tubig na may kaunting asin bago at pagkatapos pumunta sa mga hospital at galing sa mga pampublikong lugar.

Ang pagmumumog daw ay isang paraan upang maiwasan ang pagkalat ng epidemya ngayon. Ang mga bacteria o sakit ay nakatago sa ating pharynx hanggang sa ating lalamunan. Kapag daw tayo ay nagmumumog mapupuksa ang mga ito.

Ginawa din ang proseso na ito ng mga estudyante noon nung panahon na kumalat ang S A R S at naging epektibo naman dahil walang estudyante na nagkaroon nito maging sipon, ubo at lagnat.

Mga proseso kung paano magmumo:

* Ipunin sa bibig at huwag lunukin ang natimplang maligamgam na tubig na may asin.
* Tumingala at hayaang nakababad ang dilluted salt sa lalamunan.
* Ibuka ng bahagya ang bibig at huminga habang nagba bubbles ang dilluted salt sa bibig, gumawa ng “ha “ na tunog.
* Matapos ang mga ilang segundo ay iluwa ang dilluted salt.
*Ulitin ng tatlo hanggang limang beses.

Loading...
Tags: