Mag-ina masayang naglalaro habang nakahiga sa bangketa na nakakuha ng simpatya sa publiko

Loading...

Madalas makikita natin sa lansangan ay mga bata na nanlilimos at walang sariling mga pag-aari sa buhay. Minsan sila ay sa kalsada na lamang natutulog at gumagawa ng sariling mga higaan.

Gaya na lamang ng mag-ina na ito na napukaw ang atensyon at simpatya ng publiko. Ang larawan ng mag-ina ay masayang naglalaro sa bangketa na nakuhaan ng netizen na si Ameniel del Mundo na nakalagay sa kanyang caption, “Happiness is a choice.”

Sa larawan ay makikita ang isang ina habang isinasakay sa kanyang anak sa kanyang hita upang laruin ito at bigyan kasiyahan ang kanyang anak sa pamamagitan ng kanilang ‘bonding’.

Ang larawan na ito ay nakuhaan noong April 9, 2019. Sa kabila ng kanilang kalagayan ay hindi ininda sa halip ay makikita silang masaya at maligaya habang naglalaro.

Hindi alintana ang panganib na nagbabadya sa kanilang mag-ina dahilan sa wala silang sarili na tahanan na masisilungan kung sakali umulan.

Nakuhaan ito ng netizens noong siya ay maipit sa trapik nang makita niya ang mag-ina na naglalaro at napukaw ang kanyang atensyon kaya hind nagdalawang isip na ibihagi ang kaligayahan ng mag-ina sa publiko.

Ang tagpong iyon ay nakuha ang atensyon ng mga netizens, publiko maging ang media. Narito ang pahayag ng netizen sa Inquirer na nagbahagi ng litrato:

“I was stressed by some issues in my business when I saw the child playing with his mom and the mother grabbed the child and played with him as well. The two were playing happily at the island while I was grumbling about my situation inside the car.”

Sa kanyang pagkuha ng litrato at pagbahagi nito sa social media, marami ang nagnanais na tumulong sa mag-ina at hanggang ngayon ay hinahanap pa din ito upang maabutan kahit kaunting tulong dahil sa pagbibigay ng inspirasyon sa karamihan.

Loading...
Tags: