Estudyante, gamit ang tsinelas bilang pambura dahil walang pambili umano ng gamit pang-eskwela

Loading...

Mayroon mga bata sa ibang public schools na masipag at matyaga na mag-aral ngunit kahit sila ay nasa eskwelahan na, minsan ay kulang ang kanilang kagamitan tulad ng uniporme, sapatos, papel, bag, notebook, baon at kung ano pa.

Gaya na lamang ng isang elementarya na estudyante na ito na si Harold Labutong na nag-aaral sa Engracio M Castaneda Elementary School sa La Paz, Tarlc.

Si Harold ay mula sa isang mahirap na pamilya na walang pambili ng gamit pang-eskwela ngunit dahil sa gustong mag-aral at makapagtapos ay pinilit pa din niya pumasok.

Sa katunayan, ang kanyang lapis na ginagamit ngayon ay noong nakaraan pang taon kaya ito ay pudpod at maliit na. Wala rin siyang magamit na pambura o eraser kaya madalas ay nanghihiram na lamang sa katabing kaklase.

Minsan ay nanghiram siya ng pambura sa kaklase at sinabi ng kanyang kaklase ay wala din itong pambura at gawa lamang sa rubber ng tsinelas ang ginamit na pambura.

Dahil maliit na ang kanyang lapis at walang pambura, naisipan niya ang ideya na gamitin ang kanyang sariling tsinelas upang burahin ang mali sa kanyang papel.

 

Nang makita niya na epektibo makabura ang tsinelas ay madalas na ito ang kanyang gamit bilang pambura sa kanyang mga mali.

Napansin din ng kanyang guro na ubod ng liit ang gamit niyang lapis bagamat kahit hirap na hirap na ito gamitin sa pagsusulat ay nananatili pa din determinado ang bata para matuto at mag-aral.

Ayon rin sa kanyang guro na isang mabait at masipag itong si Harold at hindi madamot. Kaya naman nang humiram ang kanyang kaklase ng pambura ay ipinapahiram niya ang kanyang tsinelas bilang pambura.

Sa isang interview, tinanong ang batang si Harold kung ano ang gusto niya maging sa kanyang paglaki, ang nais raw niya ay isang maging mangingisda tulad ng kanyang ama.

Nakakalungkot isipin na ang batang katulad ni Harold na nakakaranas ng hirap ay siya pang determinado at masipag mag-aral. Samantalang ang ibang kabataan ngayon na pinag-aaral ng mga magulang ay nagrereklamo pa sa kanilang baon o gamit pang-eskwela.

Nawa’y ito ay isang aral din para sa mga estudyante na nagrereklamo sa kanilang magulang at mas kinatatamaran pa ang pag-aaral.

Loading...