Isang Nanay na 74-anyos, ikinul0ng sa hawla ng sarili niyang mga anak

Loading...

Bilang ganti sa ating mga mahal na magulang dahil tayo ay pinalaki nito at dinala ng siyam na buwan at binigyan ng buhay ay marapat lamang na siya ay ating alagaan.

Isang obligasyon at responsibilidad ng mga anak na alagaan ang mga magulang lalo na kung ito ay nagkaka-edad na dahil sila ay walang makakasama na.

Ngunit ang senaryo na ito ay kakaiba dahil ang magkakapatid na mula sa Misamis Occidental ay napilitan ikulong ang sariling ina dahil umano may sakit ang kanilang magulang.

Sa bayan ng Misamis Occidental, isang ina ang nakakulong sa madilim na selda na naibahagi na din sa ”Kapuso Mo, Jessica Soho” ang dahilan kung bakit nagawa ito ng kanyang mga anak.

Ayon sa mga anak ni alyas ‘Nida’, mayroon sakit sa pag-iisip ang kanilang ina. Dumarating din daw sa punto na nasasaktan na nito ang kanyang sarili pati ang mga tao sa kaniyang paligid.

Kahit labag sa kalooban ng mga anak ay napilitan na lamang silang ikulong ang kanilang nanay para sa kaligtasan ng kanilang ina at mga tao sa paligid.

Ibinahagi din ng mga magkakapatid bago mangyari ang senaryo na ito ay napakabuting ina daw ni nanay Nida. Kahit gaano kahirap ang kanilang buhay ay kumakayod ito para sa kanila bilang isang tindera. Nagbago lamang ang buhay ng kanilang ina noong sumakabilang-buhay ang kanilang ama noong 2014.

Dahil sa pagkawala ng kanilang ama, labis na naapektuhan ang kanilang nanay at mas lumala pa ito nang sumunod ang kanyang matalik na kaibigan noong 2015. Dito na nagsimula mawala ang sarili ni Nida na ikinabahala naman ng kanyang mga anak.

“Sabi ng kapatid ko, ‘Ano bang nangyayari kay mama? Kanina umiiyak na ako dahil hindi na humihinga tapos maya-maya bigla na lang humahalakhak.”

Dahil din sa nangyaring karamdaman ni Nida, ang ilan kapitbahay ay nagsisimula na magreklamo dahil araw-araw hanggang gabi ay sumisigaw ang kanilang ina na siyang naiistorbo sa paligid.

Simula manakit ng ibang tao ang kanilang ina, napagpasyahan ng mga magkakapatid na gumawa ng kulungan para sa ina. Kalahating oras rin ang layo ng kulungan mula sa kanilang bahay.

 

Sa tulong rin ng KMJS, napasuri ng magkakapatid ang kanilang ina sa isang espesyalista. Dito napag-alaman na mayroon itong schizophrenia. Ayon kay Dr. Rodney Boncahes mula sa National Center for Mental Health, hindi tama at hindi makatao ang ginawang pagkulong kay Nida.

Gumawa ng aksyon din ang KMJS at tinulungan ang magkakapatid na i-confine si Aling Nida sa isang pasilidad sa may Cagayan de Oro. Humihingi rin ng tulong ang magkakapatid sa pangangailangan upang masustentuhan ang bayad dito at mga kailangan ng kanilang ina.

Anong masasabi nyo sa ginawa ng magkakapatid sa kanilang ina? Makatao ba ang ginawa nila o kailangan lang nila gawin ito para sa kanilang ina?

Loading...
Tags: