Anne Curtis, nag-aral magluto at maglaba dahil siya ay nalalapit na maging isang ganap na ina

Loading...

Konting panahon na lamang ang hinihintay ng mag-asawang Ang It’s Showtime host na si Anne Curtis – Heussaff at ang kanyang asawa na vlogger na si Erwan Heussaff ay excited na para sa kanilang darating na anghel.

Humingi ng bakasyon ang aktres-tv host mula sa kanyang It’s Showtime Family ngunit ibinabahagi naman ni Anne ang kanyang ginagawa sa araw-araw para sa kanyang mga taga-hanga at taga-subaybay.

Bukod sa paghahanda niya bilang isang asawa at ina, naging interesado na din siya sa pagluluto, paglalaba at iba pang gawain bahay.

Sa isang Youtube video na ibinahagi ng Showbiz Broadcast, ang mga netizens ay puri si Anne dahil mas inintindi niya ngayon ang mga house choirs na dapat niyang gawin at malaman lalo na nalalapit na siya maging isang ina.

Sa video, kasama ni Anne ang kanyang Ina na ngayon ay nasa Australia. Ang kanyang ina ay tinuruan din si Anne ngayon sa mga gawain bahay.

Sa tulong ng kanyang ina ay natututo si Anne sa pagluluto, pag-bake at paglalaba na hindi niya nakasanayan noon dahil siya ay may sariling kasambahay.

Hindi rin makapaniwala si Anne na siya ay nakapagluto na hindi kinailangan ng tulong ng kanyang kasambahay. Nagawa rin niya maglaba na hindi rin nag-utos o nagpatulong sa mga kasama sa bahay.

Ngayon, marami rin ang humanga kay Anne dahil sa kanyang dedikasyon mag-aral ng mga gawain bahay upang magampanan ang tungkulin bilang isang asawa at ina.

Loading...