Baguio magkakaroon na ng Cherry Blossoms sa loob ng 3-5 Years dahil sa pag-donate ng mga Japanese

Loading...

Sa buong mundo, tampok na puntahan ang mga bansang may magagandang halaman na kung saan ay maari nilang kunan ng larawan at ipost sa social media.

Kung ang usapan naman ay sa Pilipinas, isa sa mga patok na bakasyunan an gating pinag mamalaking Baguio na kung saan dinadayo ang mga tanawin, pagkain at malamig na temperatura nito.

Ang Cherry Blossom Tree ay karaniwan lamang na tumutubo sa malalamig na lugar tulad ng Korea at Japan.

Ang punong ito ay kinahuhumalingan ng marami dahil sa taglay nitong ganda at kulay.

Madami ang naghahangad na magkaroon nito sa Pilipinas. Kaya naman nagging possible ito sa tulong na ibinigay ng mga Japanese people na nag donate ng 20 cherry blossom seedlings sa Pilipinas at inaasahang magkaroon ng Cherry Blossom Trees sa Baguio sa loob ng tatlo hanggang limang taon.

Sa Baguio Country Club idinonate ang Sakura Seedlings. Ito ay isang historical golf course sa summer capital ng Pilipinas.

Ang ideya na ito ay nanggaling sa isang miyembro ng club na ito na si Maria Paz-Suzuki at sa kaniyang asawa na Japanese.

Doon nabuo ang kanilang desisyon na magdala ng mga sakura seedlings sa Pilipinas. Ang unang hakbang na kanilang ginawa ay ipinasuri nila ang lupa na mula sa Baguio at ipinasuri ito sa isang agricultural facility sa Japan upang malamang kung possible nga bang tumubo ang Sakura Trees sa Baguio.

Ipinangako ng Japanese group na mag tatanim pa sila ng higit isang daang puno sa club. Bukod pa doon ang paunang 20 Sakura Seedlings na kanilang ipinadala.

Loading...