Ama na nagsulat sa piraso ng karton para sa pagpupugay sa kanyang anak na pumasa sa engineering licensure exam, Naantig ang mga netizens

Loading...

Sa panahon ngayon na pagbati sa, nauuso ang pagpapagawa ng tarpaulin para sa kanilang kaanak, kakilala o minamahal na nagkamit ng karangalan bilang pagpupugay.

Madalas ay may mga printed name pa sa damit o kaya naglalakihan na larawan ng mga bagong graduate o di kaya naman ay pumasa sa licensure exam na kanilang kinuha.

Ngunit sa dami ng nakasabit sa mga tahanan na madalas ay makikita din natin sa social media, Isang larawan ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens na talaga naman naramdaman nila ang pagmamahal.

Isang karatula na may sulat kamay sa piraso ng karton na nakasabit sa gate na hinangaan ng mga netizens.

Viral ang tweet ni Romerson Nanao na nagpapakita ng simpleng pagbati ang kanyang ama para sa kanya na talagang nagbigay ngiti din kay Romerson.

“Congrat’s Son Engr. Romerson Nanao #4143 Passed” ang mababasa sa sulat kamay na nakasulat sa ginupit na karton.

Sa simpleng pagbati ng kanyang ama ay talagang damang-dama ni Romerson at ng mga netizens ang sinseridad, pagmamahal at ang pagiging proud ng kanyang ama para sa anak na inhinyero na.

“However big, however small. You are part of it all. Thanks Dad. A lot” ang caption ni Romerson sa kanyang tweet noong 2018 pa. Sa kasalukuyan ay maraming netizens ang nagbahagi nito dahil sa nakaaantig na kuwento.

Maraming netizens ang nagpaabot ng paghanga sa tatay ni Romerson. Ito raw ay isang patunay na hindi kailangan ng magarbo dahil walang papantay sa tunay na pagmamahal kaysa sa magarbong pagbati.

Inulan din ng pagbati si Romerson sa mga netizens na Twitter users at proud naman ipinagmalaki ni Romerson ang kanyang mga magulang na walang sawa sa pagsuporta sa kanya. Ngayon ay isa nang ganap na project engineer si Romerson sa isang kompanya.

Loading...
Tags: