Nurse na nagpakalbo sa Wuhan City para mapabilis ang trabaho laban sa nCoV

Loading...

Isang nurse ang nagpakalbo sa Wuhan, China upang mapabilis daw umano ang trabaho sa pag-aasikaso ng mga pasyente laban sa pagkalat ng nCoV.

Ang Wuhan, China ay ang lugar kung saan itinuturing ngayon na ground zero ng novel coronavirus o tinatawag na nCoV.

Ang nurse na ito ay nakilala na si Shan Xia, 30 taong gulang ng Renmin Hospital sa Wuhan University.

Ayon kay Shan Xia, nagpakalbo siya upang maiwasan ang cross-infection at makatipid sa oras tuwing magsusuot at magtatanggal ng protective gear. Dagdag pa ni Shan Xia, bawat minuto ay mahalaga sa pagliligtas ng pasyente.

“My time should be used for saving more lives,” anya ni Shan Xia.

Sa huling ulat, 2,700 ang kinapitan ng nCoV at umabot na sa 106 ang hindi nakaligtas dito.

Sa ngayon, para matugunan ang patuloy na pagdami ng pasyente na kinakapitan ng nCoV, madalian na nagtatayo ngayon ang Wuhan City ng isang 1000 bed hospital na tatawagin na Wuhan Huoshenshan Hospital na kailangan ay matapos daw ito sa loob lang ng sampung araw.

Sa darating na ika-3 ng Pebrero ay inaasahan na matatapos ang konstrukyon na pagamutan. Ang mga trabahador ay binayaran umano ng tatlong ulit na karaniwan sa kanilang sahod dahil kinunsindera ito ng Chinese Government na isang emergency.

Gagamitin ang Wuhan Huoshenshan Hospital bilang quarantine at treatment center para lang sa mga pasyente na nagkaroon ng nCoV dahil mabilis ang pagkalat nito sa iba’t ibang panig ng China at maging sa ibang bansa.

 

Nagkaroon din ng ulat noong Sabado, ika-25 ng Enero na magpapatayo pa ng isang ospital sa Wuhan City na tatawagin naman itong Wuhan Leishenshan Hospital na maaari tumanggap ng 1,300 na pasyente.

Loading...
Tags: