Doktor sa China sinawim-palad, hindi nakaligtas sa Novel Coronavirus

Loading...

Hindi pa rin mapigilan ang paglaganap ng coronavirus sa China at patuloy pa din ang pagtaas ng bilang nga mga kumpirmadong tao na may coronavirus.

Hindi pa rin masolusyunan ang maaaring gamot sa coronavirus at sa kasamaang palad, kahit ang manggagamot sa China ay hindi rin pinalagpas ng sa naturan nCoV.

Ayon sa China Global Television Network, noong ika-25 ng Enero 2020 ang doktor na mula sa Hubei Xinhua Hospital si Liang Wudong ang ‘front line’ ng nCoV outbreak.

Ang ibig sabihin nito, ay siya ang nangunguna sa paggagamot at tumingin ng mga pasyenteng kumpirmado sa naturang outbreak.

Si Liang Wudong 62 taong gulang ay kasama sa 41 na nasawim-palad dahil sa coronavirus. Tumaas na sa 1,300 ang kumpirmadong bilang ng kaso sa buong mundo kasama na ang mga bansang China, France, Japan, Nepal, Singapore, Thailan, Vietnam at United States.

Ayon sa health care officials, ang coronavirus ay mapanganib na maitutulad sa Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) na kumalat noong taon 2002 at 2003.

Ilan sa sintomas nito ay ang pagkakaroon ng mataas na lagnat, pagkakaroon ng ubo, sipon at hirap sa paghinga. Ito ay mga pangkaraniwan sintomas ngunit mapanganib.

Nakuha umano ang virus na ito sa isang wet market sa Wuhan, China kung saan ang mga ibinebenta ay mga livestock at poultry kabilang ang ilang hayop tulad ng ahas, aso, hares, civets, paniki at iba pa.

Ngayon ay nananatiling coronavirus-free ang Pilipinas kaya mas hinigpitan ng gobyerno ang pag-momonitor  sa mga paliparan lalong lalo na sa mga pasaherong galing China.

Pinapaalala pa din ng Department of Health para maiwasan na ma-infect ng virus, ugaliin dapat na sundin ang ‘pr0per cough etiquette’, umiwas din sa mga matataong lugar, hugasan nang mabuti ang mga kamay sa kung ano man ang mahahawakan at siguraduhin may baon na alcohol.

Loading...
Tags: