Panoorin: Hanging Bridge bumigay habang nanonood ang mga Deboto at Turista sa Negros Occidental

Loading...

Ang daming pangyayari ngayon trahedya at sakuna sa loob lamang ng Buwan ng Enero dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

Gaya na lamang sa pagkakaroon ng sunog sa Australia, isang malakas na ulan ng yelo sa Australia, malawakan lind0l sa Turkey, alitan ng US at Iran, isang nananahimik na bulkan Taal na biglaan ang pag-erupt at iba pa.

Ang mga sakuna at trahedya ay maraming taong napinsala, nasawi, nasaktan, nawalan ng tahanan at kabuhayan.

Sa Pilipinas naman, kabi-kabila ang mga sakuna na nangyayari kamakailan lamang ang pagkakaroon ng erupti0n ng bulkang Taal kung saan maraming residente ang naapektuhan nito.

Screenshot mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho

Nasundan din ito ng mga malalaking sunog at lind0l sa iba’t ibang bahagi ng lugar sa Pilipinas kung saan ay biglaan din ang pangyayari.

Gaya na lamang na ibinahagi ng Kapuso Mo, Jesica Soho (KMJS), Ang Camugao Hanging Bridge na may 30 meters ang taas sa Negros Occidental ay bumigay habang nanonood ang mga deboto at turista na nanonood ng parada ng mga Sto. Nino.

Screenshot mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho

Maaliwalas ang paligid ngunit sa hindi inaasahan ay bigla na lamang ito bumagsak na kung saan may 60-100 na katao umano ang nasa tulay.

Sa video ay makikita na may mga bata pa bitbit ang kanilang mga anak, may mag-kasintahan at mag-kakaibigan.

Screenshot mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho

Makikita din sa video ang mga bangka na may dala na Sto.Nino dahil pinaparada ito sakay ng mga bangka at dadaan sa ilog habang ang mga manonood naman ay nasa tulay at nasa paligid lamang.

Sa kuha ng mga netizens na video, habang kinukuhaan ang parada ng Sto.Nino, nakuhaan nila ang pagbagsak ng tulay na hindi inaasahan ang pangyayari at halos lahat ay nataranta.

Screenshot mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho

Ngunit pigil hininga ang lahat dahil may isang sangg0l na limang buwan gulang ang napasama sa mga nalaglag sa tulay kung saan nagtulong-tulong ang mga residente na sagipin ito.

Ang mga nasugatan ay mabibilang sa 20 katao at hindi pa naisasama sa bilang ang naisugod sa ospital.

HANGING BRIDGE NA KINATATAYUAN NG MGA DEBOTO AT TURISTA SA NEGROS OCCIDENTAL, BUMIGAY!

HANGING BRIDGE NA KINATATAYUAN NG MGA DEBOTO AT TURISTA SA NEGROS OCCIDENTAL, BUMIGAY!Nitong nakaraang linggo, nagdagsaan ang mga deboto sa fluvial parade ng Señor Sto. Nino sa Negros Occidental. Pero sa kalagitnaan ng panonood ng prusisyon, bumigay ang tulay na kinatatayuan nila! Nakaligtas kaya sila?

Posted by Kapuso Mo, Jessica Soho (One at Heart, Jessica Soho) on Sunday, 26 January 2020

Ayon din sa siyudad, sasagutin nila ang lahat ng ospital bills ng mga naisugod sa ospital at mga nasugatan sa sakuna na ito.

Ayon din sa opisyal ng Siyudad na ang tulay ay dapat nasa 20-30 katao lamang ngunit nangyari ang sakuna na ito ay umabot ang tao na nasa higit kumulang isang daan at naput0l ang isang kable nito na siyang dahilan kaya bumigay ito.

Loading...
Tags: