Melai Cantiveros – Francisco, nag-franchise ng 3 outlets na restaurant at ibinahagi ang sekreto kung bakit ito ang kanyang napili 

Loading...

Photo Credit: MELASON

Kilala si Melai Cantiveros bilang isang komedyante at television host sa Magandang Buhay at ngayon ay hindi na rin magpapahuli bilang isang business woman.

Noong Enero 21, nag-launched siya sa kauna-unahan endorser ng Adobo Connection sa SM North Edsa, Quezon City at sinabi din niya na siya ay nagpasya na mag-franchise ng tatlong outlets sa lumalaking restaurant na ito.

Naniniwala din si Melai na afford ito ng mga tao at maganda ang quality ng mga pagkain dito na talagang pang-masa at kakagatin ng mga tao.

Photo Credit: Reyma Buan-Deveza

Ayon din kay Melai ang pagkakaroon din ng sariling Adobo Connection restaurants ay isa sa magandang investment lalo na lumalaki na ang kanilang pamilya.

Dagdag pa ni Melai, doon siya sa pang-masa at alam niyang papatok. Dito daw sa Pilipinas ay lahat daw ay may pamilya na pang-masa at higit pa doon hindi malulugi dahil ito ay pagkain, makakain araw-araw.

Photo Credit: Reyma Buan-Deveza

“Doon talaga ako sa masa, at saka alam mo na papatok. Alam mo naman dito sa Pilipinas, lahat sa atin may pamilya masa. At saka tayo talaga nag-i-strive tayo sa buhay natin para makakain at mabuhay sa araw-araw,” -Melai

Ayon din kay Melai na ang show business daw ay hindi pang matagalan o forever kaya dapat ay mag-isip siya ng diskarte para kung sakali mawala siya sa show business, may iba siyang negosyo kung saan mabubuhay ang kanilang pamilya.

Photo Credit: Melai Cantiveros – Francisco

“Siyempre ang pag-aartista hindi naman siya forever; kailangan may fallback ka, mayroon kang babalikan kapag nawala na ‘yung pag-aartista. Ako open kasi ako na kapag tapos na ‘yung chance mo, tapos na ‘yung kasikatan mo ay iba naman. Hindi lang naman ikaw ang anak ng Panginoon marami kayo so ibigay mo sa iba. So bilang momshie kailangan mayroon kang fallback,” pagpapaliwanag ni Melai.

Photo Credit: Reyma Buan-Deveza

Ngayon ay isa ng opisyal si Melai na kapamilya sa nasabing negosyo. Ang kanyang ‘iconic’ na larawan ay ididisplay sa lahat ng Adobo Connection branches.

“Melai embodies what a true Filipino mom is — ‘yung maalaga sa pamilya and may malasakit. Similar to our brand statement, we want our customers to feel at home and remember their mom’s cooking every time they enter our store,” ayon kay Meredith Ngo, ang managing director ng Adobo Connection’s.

Loading...