Makabagong Excuse Letter: Sinagot ng Guro ang ‘Excuse Video’ ng isang ina sa pamamagitan ng isang Video.

Loading...

Kadalasan ang madalas hingiin ng guro sa isang estudyante ay excuse letter galing sa magulang upang ipaalam sa mga guro ang kalagayan ng anak kung bakit lumiban sa klase.

Dahil din sa moderno na ang panahon ngayon, madaling paraan upang magpaalam sa kaibigan, kaklase, minamahal at sa guro.

Ngunit kakaiba itong senaryo na ito, isang guro ang kakaibang natanggap na paliwanag ‘excuse’ sa isang nanay na kung saan nag-record ito umano ng video at sinabi kung bakit lumiban sa klase ang kanyang anak.

Ayon sa post ng netizen na si Aei Balud na ibinahagi sa kanyang socmed na isang video ng isang nanay at ang kanyang kasagutan na ipinadala ng isang nanay upang ipagpaalam na may trangkas0 ang kanyang anak.

Ayon sa video ng isang ina na kanyang sinabi, “Good afternoon po, ma’am at sir. Pasensiya na po, hindi po makakapasok yung anak ko ngayon kasi po may trangkas0 po. Baka po bukas na lang makapasok. Pasensiya na, ma’am, sir, nag-video na lang ako. Thank you po,”

Posted by Aei Balud on Thursday, 23 January 2020

Agad naman sumagot ang guro na walang alinlangan at hindi naman nagalit ito sa halip ay tinanggap niya ito ng taos puso at may sinseridad. “Ay sige po, mother. Ako po si Sir Aei, teacher po ni Amigo sa English. Bukas po yung mga na-miss niya pong activities at long test, gawin na lang po niya bukas pag pasok niya. Get well soon po kay Amigo,”

Posted by Aei Balud on Thursday, 23 January 2020

Ang hinangaan naman ng Guro sa nanay na nagpadala sa kanya ng excuse video message ay nagbigay daw ito ng effort at binigyan ng oras upang ipaalam ang nangyari sa anak.

“21st century learners means 21st century parents as well tapos na ang panahon ng excuse letters. Panahon na para sa #EXCUSEVIDEO”. Ayon sa Guro sa kanyang caption.

“Saludo muli ako kay mother na sa kabila ng kanyang busy sked na hindi makapunta sa paaralan upang ipaalam ang kanyang anak ay gumawa ng paraan. Madaling magdahilan, bihira man pero may ilang magulang na nagbibigay ng atensyon at panahon sa kanilang mga anak. Sana all.#heartofamom” dagdag pa sa post ng Guro.

Loading...
Tags: