Lolo umano mabagal daw mag-pedicab: “Kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas”, Mga netizens binigyan ng bigas, groceries at prutas

Loading...

Sa panahon ngayon kahit anong edad ay gusto magtrabaho upang matustusan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw kahit isinabatas ang pagreretiro ng mga trabahador sa oras na maging Senior Citizens.

Nagkaron na ng batas para sa mga trabahador sa iba’t ibang opisina o ahensya na ang isang nagtatrabaho ay maging isang senior citizens ay pinagreretiro na upang maalagaan ang kanilang kalusugan dahil sa nagkakaedad na.

Kasama na sa kanilang pagretiro ang pagkakaroon ng pensyon at ilan benepisyo para maging magaan sa kanilang gastusan buwan-buwan.

Gayun pa man, hindi lahat ng matatanda ay may pensyon at nakukuhang magpahinga at matamasa ang magandang pamumuhay. May ilan din na salat sa kahirapan na kahit hindi gaano kalakas ay kailangan pa din kumayod para sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng kwento na ibinahagi ng netizen na si Joana Karyl Alforte Arce sa isang grupo sa Facebook.

Ibinahagi niya ang kanilang pag-uusap ng pedicab driver na kanyang nasakyan. Ayon daw sa pedicab driver na may edad na, kahit mabagal na siyang magmaneho ay tinitiis niya para makabili ng pagkain nilang pamilya.

Dagdag pa ni Joana Karyl, sinabi rin ng matandang driver na madalas daw siya nasasabihan ng mga pasahero na napakabagal na niyang magmaneho ng pedicab. Pero kaya pa naman daw ni tatay at pilit siyang nagsisipag at kumakayod dahil kung hindi raw siya mamamasada ay wala silang pambili ng bigas.

“Kaya ko naman kaso mabagal lang kasi malakas ang hangin. Dami nga nagrereklamo minsan kasi mabagal daw pero kailangan ko kasi wala ako pambili ng bigas,” sambit ni Joana sa kanyang post na nilagyan ng quotes sa sinabi ng matandang driver.

Aga nag-viral ang post ni Joana na umabot na sa 18,000 reactions at 11,000 shares matapos ibahagi ng netizen ilan araw lang ang nakakaraan. Marami ang humanga sa matanda dahil sa sipag at dedikasyon nito para sa pamilya.

Marami din nagka-interes na tulungan si tatay. May mga nagtatanong kung saan matatagpuan ang matanda upang mahatiran ng kaunting tulong. Handa ang mga netizens abutan ito ng tulong dahil sa kanyang dedikasyon sa pagtatrabaho.

May isang netizen din ang nag-upload ng mga larawan na natulungan na nila ang matandang pedicab driver. Binigyan daw nila ito ng bigas, groceries at prutas kasama ang asawa nito. Isang matamis na ngiti ang ibinibgay ni Tatay.

Loading...
Tags: