Isang sasakyan na lilipat ng bahay na may ‘Sabit’ na limang alagang hayop, Iba’t iba ang reaksyon ng mga netizens

Loading...

Karamihan sa atin ay talagang itinuturing na parte na ng buhay natin ang ating mga alagang mga hayop tulad ng pusa, aso o ano pang klaseng hayop lalo na’t napamahal ito sa atin.

Hayop man sila, ngunit ang kanilang isip at damdamin ay parang isang tao na maituturing at walang katumbas na pagmamahal ang kanilang ibinibigay sa mga may-ari sa kanila.

Gaya na lamang ng viral na larawan na ito na ikinatuwa ng mga netizens na akala nila ay kawawa ang kanilang mga alaga, ngunit sa kabilang banda ay mapapaligaya ang inyong puso sa inyong malalaman.

Nagbahagi ang Facebook page na Guardians of the Fur kung saan makikita ang isang maliit na ownder jeep na puro gamit tulad ng kutson, washing machine, balde at iba pa.

Hindi pa mapagkilanlan ang may-ari nito at hindi alam kung sila ba ay lilipat o lilikas dahil sa katatapos lang at kasagsagan ito ng pagsab0g ng bulkang Taal.

Ang nakapukaw sa atensyon ng mga netizens ang limang alaga na nakatali sa likuran ng sasakyan. May dalawang pusa na nasa kulungan at may tatlong aso naman na may kanya-kanyang lagayan sa sako na makikita na nakangiti pa ang mga ito.

Ikinatuwa ng ibang mga netizens ang hindi pag-iwan sa mga alagang hay0p dahil isinama nila ito kahit anong mangyari sa kanilang paglipat o paglikas at nagawaan ng paraan kung panao nila naisama.

Ilan naman ang mga nag-komento ang hindi natuwa sa kalagayan ng hay0p. Hindi raw tama ang pagsabit sa mga aso na nakalagay sa sako.

Mali man o hindi ang paraan ng pagkakatali ang mahalaga para sa ibang netizens ay ang hindi pag-iwan ng may-ari sa kanilang alaga sa paglikas sa kanilang bahay.

Napakadaling pabayaan ng mga alagang hayop sa panahon ng kalamidad dahil ayon sa iba buhay ng tao ang uunahin lalo na ang trahedya ay hindi mo masasabi, ngunit ang iba naman ay inuuna pa kuhain ang kanilang alagang mga hayop.

Source: Facebook

Loading...
Tags: