Isang Estudyante, nag-travel ng Singapore matapos hindi umatend sa klase, Viral sa socmed

Loading...

Kinatuwaan ngayon ang isang post ng netizen na estudyante matapos magpunta ng Singapore diumano siya ay nag-cutting class sa kanyang klase.

Nakilala ang estudyante na ito na si Biboy Ces Tampaso na nag-aaral ng SHS sa may Polytechnic University of the Philippines.

Sa kanyang post sa Facebook na kanyang ibinahagi, nakasuot pa ito ng uniporme at id ng kanyang eskwelahan na napunta sa Singapore at nag-enjoy noong January 20.

Di kalaunan ay nag-trending ang kanyang post na ito at umani ng iba’t ibang reaksyon at komento sa mga netizens. Ang mga netizens naman ay kinaaliwan ito kahit na alam ay biro lamang.

Ang una niyang larawan ay sa NAIA airport at sumakay sa eroplano, di kalaunan ay may kuha na siya sa isang sikat na Merlion na istatwa na pinupuntahan ng maraming turista sa Singapore.

Ang Merlion ay isang malaking istatwa ng Lion kung saan naglalabas ito ng Tubig sa kanyang bunganga na isa sa dinadayo sa Singapore.

Nagkaroon din ng larawan si Biboy na tila nakabukas ang kanyang mga bunganga na parang umiinom ng tubig na nilalabas ng Lion kung saan ito ang madalas na ginagawa na pose ng mga turista para sa Merlion.

Nagkaroon din siya ng larawan na ibinahagi na siya ay nasa Universal Studios ng Singapore, isang sikat na Landmark sa bansang Singapore.

Ang post ng netizen na ito ay umabot na sa 31,000 reactions at 34,000 shares at may mga komento ang ibang mga netizens tungkol dito. Sinabi din niya na ito ay isang katuwaan lamang at hindi siya tumatakas sa klase.

cutting.jpeg

Posted by Biboy Ces Tampoco on Sunday, 19 January 2020

 

“Am just curious what’s the story behind the uniform? Did you intentionally brought it all the way to Singapore?”

“Dala niya lang uniform nia nung pumunta sila sa singapore niyan hahaha”

“Ang bongga ng cutting classes.. sana all”

“Ano kaya itsura nung mga pasahero sa airport nung nakita ka na naka uniform? hahah”

Loading...
Tags: