Mga Pinoy na OFW Nag Tulong- Tulong, Nakalikom Ng P60,000 Para Sa Tatlong Kapwa OFW Na Nakulong Sa Saudi Na Uuwing Walang Laman Ang Bulsa

Loading...

Hanggang saan ka nga ba dadalhin ng pagiging dugong Pinoy? Likas sa ating mga Pilipino ang pagiging bukas ang palad sa nangangailangan.

Maski anong bansa pa ang marating, naroon pa din ang pagiging matulungin. Ang pag kakaroon ng malambot na puso ay taglay na natin.

Kagaya na lamang ng isang nag viral na post mula kay Baling Jacinto Paulino. Ayon sa kaniya, nag-stop over sila sa Bahrain nang makilala nila ang tatlong kapwa Pilipino.

Nang kinamusta sila ay naisalay- say nila ang mapait na sinapit sa Saudi na kung saan na-set up at nakulong daw sila sa loob ng 1 taon at 3 linggo.

Imahe mula kay Baling Jacinto Paulino

Maski pa mang masayang uuwi sa bansang Pilipinas, naroon pa din ang lungkot na walang maiuuwi kahit pa kaunti. Makikita sa larawan na naka suot pa sila ng prison clothes

“Ang pagiging isang Good Samaritan ay walang pinipiling oras at lugar. Hindi namin lubos maisip na sa pag stop over namin sa Bahrain ay mayroon kaming matutulungan na kapwa OFW. Sila ay naset-up sa Saudi at nakul0ng sa loob ng 1 year at 3 weeks,” sinabi sa caption.

Imahe mula kay Baling Jacinto Paulino

Ang pagbibigay na ito ay hindi sapilitan kundi kusang loob lamang. Nag ambagan ang mga OFW sa airport para sa tatlo.

Ilang minuto lang ang lumipas ay talaga namang umabot na sa P30,000 ang nagging perang nalikom. Ito ay para kina Ramil Rufila, Jefferyl Gamponia, at Ervin Fernandez na mga taga La Union, Ilocos, at South Cotabato.

Sa kabuuan ay P60,000 ang napag-ambagan. Bukod pa sa nalikom sa airpot, mayroon pang karagdagang nakolektang tulong habang nasa himpapawid. Hindi lamang pera ang naiabot kundi pati na rin chocolates.

Posted by Baling Jacinto Paulino on Thursday, 16 January 2020

“Sobrang sarap sa pakiramdam na ang laking bagay ng ginawa namin para makatulong sa kanilang tatlo,” sabi ni Paulino.

Ang huling hiling ng tatlo, nawa ay mabigyan ng hustisya ang nangyare sa kanila sa ibang bansa at maidulog ito kay Idol Raffy.

Loading...
Tags: