Janitor sa Manila City Hall na 33 taon na nasa serbisyo, pinagkalooban ng pabahay ni Yorme Isko

Loading...
  • Isang mapalad na empleyado sa Manila City Hall ang pinagkalooban ng pabahay ni Mayor Isko Moreno dahil sa matapat nitong pagseserbisyo
  • Ang empleyado ay nakilala na si Melcho Duca, 33 taon na sa serbisyo at isang janitor sa nasabing lugar
  • Ginawaran si Tatay Melcho ni Mayor Isko Moreno dahil sa inialay nito na serbisyo sa lungsod at pagiging matapat sa trabaho

Kapag ang isang empleyado o manggagawa ay tumagal nang mahigit sampung taon o higit pa sa kaniyang pinapasukan na trabaho ay ginagawaran ng gantimpala ng kaniyang amo.

Madalas ay binibigyan ito ng plake o sertipikasyon at karaniwan may kalakip na salapi ang empleyado kapag ito ay pinagkalooban.

Larawan mula kay Mayor Isko Moreno Domagoso Facebook page

Gaya na lamang ni tatay Melchor Duca na pinagkalooban ni Mayor Isko Moreno ng pabahay dahil sa tagal na serbisyo nito na talaga naman ikinatuwa ni tatay at ng mga netizens.

Sa isang Facebook page, isang magandang balita ang ibinahagi ni Manila City Mayor Isko Moreno tungkol sa isang empleyado ng Manila City Hall na ginawaran kasama si Vice Mayor Honey Lacuna dahil sa serbisyo nito na 33 taon bilang janitor.

Larawan mula kay Mayor Isko Moreno Domagoso Facebook page

“Siya po si Melchor, 33 taon na po siyang nagtatrabaho sa City Hall, empleyado ng ating City General Services Office.”

Tuwing sabado lamang umuuwi si tatay Melchor sa kanilang bahay dahil ito ay nagmumula pa sa Cavite. Natutulog siya sa City Hall mula Lunes hanggang Biyernes.

“Bilang pagkilala sa kanyang inialay na serbisyo sa lungsod, ginawaran natin siya hindi lang ng smartphone pati na rin pabahay para sa kanyang pamilya. Mabuhay po kayo!” ayon kay pa Mayor Isko.”

Larawan mula kay Mayor Isko Moreno Domagoso Facebook page

Ayon din panayam ng Journal, ang handog na pabahay kay tatay Melchor ay naitayo sa ilalim ng housing program sa Lungsod.

Ang gantimpala na ipinagkaloob kay tatay Melchor ay may kaugnayan sa inaprubahan ng Administrative Order No. 29 ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Enero 10, 2020.

Inatasan ni Pangulong Duterte ang mga kinauukulan na bigyan ng gratuity pay ang mga empleyado na nasa gobyerno na ang estad0 ay job order at contractual.

Halos nasa 4,000 ang empleyado ng Manila City Hall ang job order at dalawang libong piso ang inaprubahan umano ni Mayor Isko Moreno na bonus sa kanila dahil sa kanilang tapat na pagtatrabaho.

Loading...