Evacuation Center sa San Pablo Laguna, ipinagmalaki ng isang Volunteer na ikinamangha ng marami

Loading...
  • Nagulat ang isang volunteer nang makita ang isang evacuation center sa San Pablo, Laguna dahil sa kaayusan nito at talagang maaliwalas
  • Bawat pamilya ay may kanya-kanyang tent at sariling espasyo na talagang mararamdaman ng mga bakwit na sila ay komportable
  • Ang kanilang pagkain ay maya’t maya daw at tinutugon kagad ang kanilang pangangailangan kaya pinuri ang Mayor na naka-destino dito

Ang evacuation centers ay pansamantala na tutuluyan ng mga naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng Bagyo, Baha, Lindol at pagputok ng Bulkan.

Isang evacuation center ang ipinagmamalaki ng isang volunteer matapos makita ang kaayusan nito at may sari-sariling tent ang bawat pamilya.

Photo via Jane Faye Opena | Facebook

May kanya-kanyang tent na mararamdaman talaga ng mga evacuees na sila ay komportable dahil kahit mga pangangailangan nila ay ibinibigay sa kanila na taos puso.

Kwento ng netizen na isang boluntaryo, “Evacuation site here in San Pablo, Laguna. Flex ko lang. Ganda kasi. Kausap ko ‘yong isang evacuees dito kanina and sabi niya maya’t maya daw ang kain nila. hehe. Hindi nila problema dito ang foods. Silapo ay mga taga Malvar, San Juan. Isang barangay sila.”

Kaya napahanga ang netizen na ito sa kanilang alkalde. “The best ka talaga yorme.”

Photo via Jane Faye Opena | Facebook

Sa mga larawan na ibinahagi ng netizen na si Jane Faye Opena ay makikita ang isang malaking gym na pinatuloy ang mga evacuees na taga-Malvar at nakalatag ang malalaking tent na kulay asul para sa kanila.

Sa Disenyo ng tent ay makikita talaga na may pribadong espasyo sa bawat pamilya at hindi rin magulo kung ito ay titignan dahil ito ay nakalatag ng maayos at maaliwalas sa paningin.

Photo via Jane Faye Opena | Facebook

Naging kampante din ang mga pamilya dito dahil hindi mawawala ang kanilang anak dahil makikita lamang nila sa kanilang espasyo ang bawat miyembro ng kanilang pamilya.

Narito din ang ilan komento ng mga netizens dahil sa paghanga ng nasabing evacuation center sa San Pablo, Laguna.

“Project po yan ng City Government of San Pablo City, Laguna, at Taxes po ng mamamayan na taga San Pablo, ang ibinili dyan”

“Woow ang ganda kahit biglaan pero organize sya. For the first time nangyari ito sa pinas na ganito ang evacuation centre”

“Sana wag lang pong sirain o dumihan para po talagang mapakinabangan ng ibang nangangailangan. Kudos sa barangay na ito. Tunay na malasakit sa iba.”

“This an Awesome Project by the City Government of San Pablo City, Laguna! Magaling Mag- isip ang Mayor ng San Pablo City!”

Loading...