Netizen, ibinahagi kung paano niya patulugin ang kanyang mga babies, Viral sa social media

Loading...
  • Maraming netizens ang animal lover at talagang ginagastusan ang kanilang mga alaga dahil parte na ito ng kanilang pamilya
  • Ayon din sa ibang animal lover lalo na sa mga may alaga ng mga puppies maituturing talaga silang baby
  • Gaya na lamang ang post ng netizen na ito binibigyan ng good night kiss ang kanyang mga babies at tuluyan na matutulog na ikinatuwa ng mga netizens

Viral ngayon sa social media ang post ng isang netizen kung saan makikita ang kanyang mga alagang puppies ay sobrang makulit at gising na gising pa.

Sa post na ibinahagi ni Kim Mutuc Punzalan, makikita sa kanyang video na nakikipaglaro pa ang kanyang mga babies sa kanya ngunit gusto na patulugin ito ni Kim.

Photo Credit: Kim Mutuc Punzalan | Facebook

Isa-isa binuhat ni Kim ang kanyang mga babies at binibigyan isa-isa ng goodnight kiss pagkatapos ay ilalapag na niya ito na nakahiga na tila hindi kumikilos at ang kanilang pwesto ay matutulog na.

Sa video ni Kim ay makikita din na tahimik na naghihintay isa-isa para mabigyan lahat ng goodnight kiss ng kanilang ina na talaga naman ikinatuwa lalo ng mga netizens.

Parang mga baby daw talaga na maituturing dahil sumusunod lahat ito kay Kim pagkatapos niya bigyan ng goodnight kiss. Tila may mga sariling isip daw talaga ang mga alaga ni Kim sambit ng mga netizens na humahanga sa ginagawa din ni Kim sa kanyang mga baby.

Maraming netizens ang natuwa, nawili at napangiti sa video na ibinahagi ni Kim lalo na ang mga animal lover.

Photo Credit: Kim Mutuc Punzalan | Facebook

Ang video ni Kim ay umabot na sa 145,000 reactions, 34,000 comments at 300,000 shares na talaga naman umabot hanggang ibang bansa ang kanyang ibinahagi na video.

Makikita din sa video ang tunay na pagmamahal niya sa kanyang alaga na hinangaan din ng marami at nagtatanong kung paano niya naturuan ng ganito.

good night kisses from mommy tey ?

Posted by Kim Mutuc Punzalan on Monday, 6 January 2020

Anya ni Kim ay normal at natural na ginagawa nila ang ganun routine hanggang masanay ang kanyang mga babies. Dapat din daw ay iparamdam sa kanila ang pagmamahal at tunay na pag-aalaga.

Maraming netizens din ang nagbigay ng mga positibong komento;

“Buti pa sayo sis humihiga at natutulog kagad, sakin tumatakas at tumatakbo pa hahahaha”

“Paano nyo po naturuan ng ganyan sila? Hahah ang cute”

“Ang babait po ng inyong mga anak hahaha nakakatuwa sila!”

“Gusto pala ng goodnight kiss ng baby ko kaya pala minsan ayaw matulog nagpapahabol pa”

 

Loading...