Sandamakmak na Tulingan na isda sa dalampasigan, Bumungad sa mga mangingisda at residente ng Brgy Sawang Romblon, Romblon

Loading...
  • Sa kalagitnaan ng pag-alboroto ng Bulkan Taal ay maraming residente ang mga naapektuhan mula sa Lugar ng Batangas
  • Isang masayang pangyayari naman ang nangyari sa Romblon dahil sandamakmak na tulingan na isda sa Barangay Sawang, Romblon, Romblon ang bumungad
  • Paliwanag ni Luisito Manes ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) hindi rin umano ito kaugnay sa ano mang phenomenon dahil wala naman umanong bulkan sa probinsya ng Romblon.

Sa Barangay Sawang, Romblon, Romblon pasado alas-8 ng umaga Enero 17, bumungad ang mga naglalakihan Tulingan na isda sa mga mangingisda at residente ng Barangay.

Isang video ng netizen na kuha ni Tessa Ann Falguera, makikita ang mga isda na nagtatalon-talon at buhay na buhay habang pinalibutan at pinagkaguluhan na ng mga residente sa lugar.

Image Credit: Tessa Ann Maaba Falguera

Umaga pa lang daw ng makita ng mga mangingisda ang sandamakmak ng tulingang isda na hal0s isang daan metro lang ang layo sa dalampasigan kaya ginawa ng mga residente at mangingisda ay naglatag sila ng lambat para hindi na makabalik sa malalim na parte ng dagat ang mga ito.

Image Credit: Tessa Ann Maaba Falguera

Sa dami ng tulingan na isda, ipinamigay na lang ang iba samantalang ang ibang isda naman ay ibinebenta ng P120/kilo lamang ang halaga, mas mababa kumpare sa presyo na bentahan sa palengke.

“Paliwanag din ni Luisito Manes ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resource (BFAR) hindi rin umano ito kaugnay o walang kaugnayan sa ano mang phenomenon dahil wala naman umanong bulkan sa probinsya ng Romblon.”

Image Credit: Tessa Ann Maaba Falguera

Ang mga residente ng romblon naman ay masaya dahil binigyan sila ng biyaya at normal lang daw ito na mangyari lalo na kapag madami ng isda sa isang lugar.

May mga netizens din na nababahala tungkol dito na may masamang pangitain daw ang paglutang ng mga isda sa dalampasigan.

Narito ang ilan komento ng mga netizens na nag-aalala dahil sa biglang paglutang ng mga tulingan na isda sa Romblon.

Image Credit: Tessa Ann Maaba Falguera

“Baka naapektuhan din yan ng bulkang taal..uminit ang dagat.”

“Animals are the most sensitive when it comes to natural disasters…its not normal for this fishes to come or get near on shallow water, its a sign be aware people keep safe everyone near this place”

“Just be careful and be safe. Noong high school, yong lesson namin, ang unang makakaramdam nang paparating na kalamidad ay ang mga hayop. Observe ang animal behavior. Maging mapagmasid. Iba na ang handa. Enjoy the blessing and thank God for it.”

Loading...