Estudyante dala ang kanyang alagang tuta dahil walang magbabantay, Teacher inalagaan ang kanyang tuta

Loading...
  • Isang estudyante dala ang kanyang alaga na tuta dahil umano walang magbabantay sa alaga nilang aso kaya dinala sa silid aralan
  • Viral ang kwento na ito dahil imbis magalit ang kanyang guro ay inalagaan pa umano ito ng kanyang guro
  • Maraming netizens ang humanga sa guro dahil imbis na magalit ay inalagaan pa niya umano ito habang nag-aaral ang estudyante

Sa social media ay maraming nagbabahagi ng kanilang kwento sa nangyayari sa kanilang buhay na posible din maging viral.

Maraming naging viral at nag trending na post sa social media na larawan, video o kwento na minsan ay itinatampok sa mga media outlets o sa mga programa sa telebisyon.

Larawan mula kay Liza Arambulo | Facebook

Gaya na lamang ng isang kwento na ito ng estudyante na si Liza Arambulo, nagdala daw ang kanyang kaklase ng tuta dahil umano wala daw magbabantay dito.

Akala daw nilang lahat ay magagalit ang kanilang guro pero imbis magalit ay kinuha ito ng kanilang guro at inalagaan habang nagtuturo.

Hawak at yakap ito ng kanilang guro habang nagtuturo at siya na din mismo ang nag-alaga hanggang matapos ang klase.

Larawan mula kay Liza Arambulo | Facebook

Isa pa lang Dog lover ang kanilang guro kaya nang makita ang tuta ay agad niyang kinuha at nag-alaga mismo.

Ayon din sa mga netizens isang literal na “Teacher’s Pet” ang naturang dalawang buwan gulang na tuta na si ‘Nomo’.

Viral ang post ng netizen na ito na umabot na sa 43,00 reactions at 40,000 shares at ang mga netizens ay may mga iba’t ibang komento na humahanga sa guro.

“Thanks mam, dahil inaalagaan mo yn puppy habang ngaaral estudyante mo God Bless”

“Buti nlang dog lover c mam Thank you mam”

“Literally, Teacher’s Pet”

“Hahhaha…. Pati si puppy bantay sarado ni teacher hahhaha..”

“Puppy: Makinig kayo kay Mam lagot kayo HAHAHAHAHA”

Loading...