Mga bakwit sa Batangas, ginawang OOTD ang mga donasyon na damit na kanilang ikinatuwa at ng mga netizens

Loading...
  • Sa pangyayari na hindi inaasahan sa pag-erupti0n ng Bulkan Taal, maraming residente ang hindi nakapaghanda ng maayos.
  • Wala sila nabitbit na mga damit o iba pang kagamitan para maisalba kagad nila ang kanilang sarili at pamilya sa kaligtasan.
  • Dahil maraming kababayan din ang nagdonate na damit, naging isang katuwaan sa Evacuees sa Batangas ang kanilang mga OOTD na donasyon ng ating mga kababayan.

Sa kabila ng pagputok ng Bulkan Taal, isa ang Batangas sa matinding naapektuhan nito dahil sa matinding pagsabog ng abo ng Bulkan.

Maraming residente ng Batangas ang inilikas at dinala sa evacuation center kung saan dinadala ang mga donasyon na damit, pagkain, at iba pang pangangailangan.

Ngunit sa kabilang banda, viral sa social media ngayon ang mga OOTD ng mga taga Batangas na bakwit dahil sa mga donasyon na damit sa kanila.

Larawan mula kay Mary Margaret Huertas

 

 

Isang post ng netizen na bakwit sa Batangas na nagdulot ng kasiyahan sa kanila ang mga damit kahit sa kabilang banda ay apektado sila at dumadaan sa matinding pagsubok.

Sa post ni Mary Margaret Huertas, ang kanilang mga kababayan na bakwit sa Batangas ay isinuot ang mga donasyon na damit ng ating kapwa kababayan at nagdulot ito ng katatawanan at kasiyahan sa evacuation center.

“Tunay na nakakatanggal ng stress kht papaano. Ganito talaga mga batangueño e, sa ganitong pagsubok ay nagagawa pa magpangiti. Malaki paring tulong ang mga donations nyo.
#labanBatangas
#LindolKaLangBatangueñoKami”

Tunay na nakakatanggal ng stress kht papaano ? ganito talaga mga batangueño e, sa ganitong pagsubok ay nagagawa pa…

Posted by Mary Margaret Huertas on Thursday, 16 January 2020

Natuwa din ang mga netizens nang kumalat ito sa social media. Hindi naging hadlang ang pagputok ng Bulkan Taal para mawalan ng pag-asa bagkus naging katuwaan pa ito sa Evacuation Center kaya naman naging positibo ang mga taga-Batangas.

May mga post din ang ibang Batangueño ng kanilang OOTD suot ang mga donasyon na damit na ikinatuwa mismo ng mga bakwit at nagbigay ng kasiyahan sa mga netizens.

Larawan mula kay Mary Margaret Huertas

Sa post naman ni Philip Mangubat, isang damit pambabae ang kanyang isinuot na tila siya mismo ay natutuwa sa kanyang hitsura na nag-trend din sa social media.

“Kahirap ng bakwit ah, walang magkasyang damit eh. pwede na ito magaling sa hubad. Salamat sa nag donate #TawaMunaBatangueño ”

Kahirap ng bakwit ah, walang magkasyang damit eh. pwede na ito magaling sa hubad.. ??? salamat sa nag donate? #TawaMunaBatangueño ??

Posted by Philip Mangubat on Thursday, 16 January 2020

Sa mga post ng mga Batangueño na positibo at may mga ngiti sa labi ay nagbibigay din ng lakas ng loob sa ibang netizens upang ipagpatuloy ang buhay. Marami din humahanga sa mga Batangueño dahil ang tatak nilang Barako ay hindi pasusupil.

Loading...