Lolo, dinala ang kanyang mga apo gamit ang Kalabaw sa Drive Thru ng isang Fastfood

Loading...
  • Isang lolo dinala ang kanyang mga apo sa Jollibee Drive Thru upang mabilihan ito ng mga gusto nilang pagkain.
  • Maraming netizens ang humanga kay lolo nguni’t may iba’t iba rin komento tungkol dito.
  • Walang imposible sa pagmamahal ng isang lolo para sa mga kanyang apo. Lahat ay gagawin para mapasaya lamang ang mga ito.

Ang kalabaw ay malaki ang naitutulong sa atin lalo na sa mga magsasaka dahil gumagaan ang kanilang trabaho sa tulong ng pag-aararo nito.

Kaya tinuring na pambansang hay0p sa Pilipinas ay Kalabaw dahil ito ay malakas, nagbibigay ng mga gatas, tumutulong sa pag-araro at pagbubuhat para sa mga magsasaka.

Ngunit kakaiba ang kwento na ito na talagang ikinatuwa at hinangaan ng marami, dahil ayon sa Facebook page na Hype Capampangan, Isang lolo na nasa video ay dinala ang kanyang mga apo sa Drive Thru kung saan ang gamit nito ay Kalabaw.

Mapapanood sa video na sakay ang isang lolo sa kanyang kalabaw habang ang kanyang apo naman ay nasa likuran nakasakay habang hila-hila ng kalabaw.

Masaya ang mga bata at maraming mga netizens din ang nakatingin sa kanila habang kinukuhaan ng video at natutuwa sa ideya ng lolo para lamang maka-order kasama ang mga apo.

Bawal kasi ilagay ang kalabaw sa parkingan ng mga sasakyan at tanging sasakyan lamang nila ang kanilang kalabaw kaya minaigi ni lolo na i-drive thru na lang ito para din makakain ang kanyang mga apo.

Wala silang magarang sasakyan o motor para gamitin. Madami ang kanyang apo at gusto magpunta sa Jollibee kaya hindi nagdalawang isip si lolo ipag-drive ang kanyang mga apo gamit ang Kalabaw.

Kalabaw sa Drive Thru

Dinala ni lolo ang kanyang mga apo sa Jollibee Drive Thru gamit ang KALABAW..

Posted by HYPE Capampangan on Sunday, 12 January 2020

Ang video na ito ay umabot sa 34,000 reactions at 15,000 shares. Narito din ang ilan komento ng mga netizens:

“Ang galing ni Lolo ganyan din ang tatay ko dati isinasakay ako sa paragus ngayon wala ng ganyan e.bad timing lang umetsas sa entrance. Sulit ang saya para sa mga apo..at saka ang taas ng IQ nung kalabaw pag NO ibig sabihin pala nun stop pag YES ay andar na kakatuwa.”

“Loving lolo kaso sa kalabaw ndi po dapat may gulong man lang ng ndi gaano hirap si kalabae eh kadami ng apo eh, next na punta na lang uli s jollibee kabayo nman, why not?”

“Salute Naman Kay lolo… Sana all Mahal Ang lahat NG apo.. pero naawa din ako SA.kalabaw Kasi Mano Mano Ang paghila nya walang gulong.”

“Okay ang ganyang lolo, pinilit mapasaya ang apo sa abot ng makakaya…. Maporma lng ang motor pero maraming motor na mas mahal pa ang kalabaw”

Loading...