Kuha mula sa bayan ng Laurel Batangas, Bago at matapos mag-alboroto ng Bulkan Taal

Loading...
  • Ang bayan ng Laurel Batangas ay puro halaman ang paligid at madalas makikita din dito ang mga naglalakihan puno ng buko.
  • Sa kasamaan palad, nag-alboroto ang Bulkan Taal kung saan isa ang Laurel Batangas ang natamaan.
  • Makikita sa larawan na nagbago din ang kulay ng tubig dahil sa Sulfuric acid na ibinuga ng Bulkan Taal at nabalutan ng abo ang mga nasa paligid nito.

Sa larawan na kuha ni Eman Bas, makikita ang bayan ng Laurel, Batangas na may maaliwalas na kapaligiran, naglalakihan mga puno at mga bangka patungo sa taal lake.

Larawan mula kay Eman Bas | Facebook

Isa sa kabuhayan ng mga taga-Laurel ay ang boat riding, nangingisda para pandagdag sa pang araw-araw dahil may mga malapit na resort din na madadaanan sa naturang lugar.

Dahil sa hindi magandang pangyayari, ang Bulkan Taal ay biglang nag-alboroto at nagbuga ito ng mga abo na may halong sulfuric acid kung saan nagkaroon ng masamang epekt0 sa mga halaman, dagat, hay0p at kalusugan ng mga tao.

Larawan mula kay Eman Bas | Facebook

Makikita sa larawan na nabalutan ng abo ang mga bahay at kapaligiran. Makikita din na nagbago ang kulay ng dagat dahil sa sulfuric acid na ibinuga ng Bulkan.

Ang nakakalungkot pa dito, ang ibang kabahayan ay natabunan na ng mga abo kung saan ang makikita na lang ay kalahati nalang ng kanilang bahay.

Ang mga kalsada ay nabalutan na din ng putik at abo. Dahil din sa sunod-sunod na pagyanig nagkaroon ng bitak-bitak ang mga kalsada at kabahayan.

Larawan mula sa kuha ng Philippine Star / Vernie Penaredondo

Ang mga bahay ay tuluyan nasira dahil sa bigat ng abo na ibinuga ng Bulkan Taal at sinabayan ng mga pagyanig na talaga naman nakakapanlumo kung titignan.

Ayon din sa post ng netizen ni Arjhano Malabanan, sa barangay Bus0-bus0 ang isang lugar sa Laurel Batangas, ang kanilang bahay ay nasira na pero malaking pasasalamat nila na walang nasaktan sa kanila.

nasira man ang bahay nmin sa Buso Buso Laurel Batangas at ang Seventh Day Adventist Church na pinatayo ng lolo ko at mga…

Posted by Arjhano Malabanan on Sunday, 12 January 2020

Loading...