Lalake na hirap sa kalagayan, Nagbibigay ng Libre na Facemask sa mga dumadaan, Hinangaan ng marami

Loading...
  • Maraming mga good samaritan ang lumalabas sa oras ng kalamidad. May kapansanan o wala, may kaya o wala ay nag-aabot ng mga tulong.
  • Gaya na lamang ng isang netizen na ito, hirap maglakad, di maigalaw ang isang kamay ngunit nagbibigay siya ng libreng facemask sa mga dumadaan.
  • Nag-viral ang bidy0 na ito dahil maraming netizens ang humanga kay tatay.

Sa gitna ng unos ay may mga tao pa din na nagpapagaan ng ating mga kalooban lalo na tuwing nakakakita tayo ng mga taong kusang tumutulong.

Sa post ng isang Facebook page na Katropakaibigan na ipinasa na isang netizen na si Marty Karlo Adarlo, isang namataan na lalake ang hirap sa paglalakad ngunit nagbibigay pa din ito ng libreng facemask.

Larawan mula sa Bidyo ng KatropaKaibigan

Makikita sa video ang kalagayan ng lalake na ito kung saan makikita ang kanyang isang kamay ay hindi maigalaw na tila may pilay at ang kanyang paglalakad naman ay hirap din.

Hinangaan ng maraming netizens ang lalake na ito dahil sa gitna ng kanyang kalagayan ay hindi nagdalawang isip tumulong sa abot ng kanyang makakaya upang maipakita ang kanyang pagmamalasakit.

Ang video na ito ay nag trend sa social media at umabot sa 32,000 reactions 32,000 shares at ang mga komento ng mga netizens ay talagang positibo na hinangaan si tatay.

Buti pa si Manong, na sa kabila ng kanyang kalagayan e nagawa nyang mamigay ng FaceMask ng Libre. Di katulad nung iba na ginawang negosyo.. Mahiya naman kayo MASKED HERO | A good samaritan, despite his disability, gives away surgical face mask for free to motorists and passengers in Manila. According to reports, face mask supplies in the city have started to dwindle in pharmaceutical stores after Taal Volcano spew ashes on Sunday, January 12.📹 Marty Karlo Adarlo#TaalEruption2020#INGATKAsangbahay

Posted by KatropaKaibigan on Sunday, 12 January 2020

Ayon din sa ibang netizens, mabuti pa daw si tatay ay tumutulong samantalang ang iba daw ay nagsasamantala sa kalagayan ngayon dahil sa pagbuga ng abo ng Bulkan Taal kung saan maraming apektad0 na lugar.

Kung maraming mga namamantala ay mas marami pa din ang mabubuti ang loob dahil umaapaw ang mga taong kusang tumutulong at gumagawa ng paraan para makatulong.

Sana ay pagpalain pa kayo tatay at gumaling na ng tuluyan ang inyong karamdaman. Salamat din sa inyong kabutihan na ginagawa.

Loading...