Dagat at Ilog malapit sa Bulkan Taal, natuyo, umurong at nagmistulang patag na

Loading...
  • Isa sa binabantayan ngayon ang Bulkan Taal dahil walang oras ay maaari mag-alboroto na naman ito.
  • Isa sa ikinakatakot ng mga residente na malapit sa Bulkan Taal ang biglang pagsabog nito at kung ano ang maidudulot nito.
  • Mga residente malapit sa Bulkan Taal nagbahagi ng mga larawan na ang mga ilog at dagat ay tila umurong na.

Isa sa ikinababahala ngayon ay ang pag-urong ng Dagat sa Batangas at ang mga ilog ay tila naging patag na din.

Ang dati na palaisdaan ay tila isang patag na lamang na lugar kung saan ay hindi mo na matatawag itong dagat dahil puro buhangin at abo na ang iyong malalakaran.

Dati sa dalampasigan ay makikita mo kagad ang dagat ngunit ngayon ay makakapaglakad ka na hanggang kalagitnaan.

Larawan mula sa Facebook

Ang mga ilog naman ay tila nawala na din ang tubig at nabalutan na din ito ng abo at buhangin na dati ay makikita mo ang agos ng tubig sa tulay.

Nananatili pa din nasa Alert Level 4 pa din ang Batangas at Cavite dahil ito ang nakapalibot sa Bulkan Taal kung saan maaari tamaan kapag pumut0k ang Bulkan Taal.

Imahe mula sa ABS-CBN NEWS

Samantala, marami pa din rescue operation ang nakabantay at patuloy na naglilikas sa mga tao na malapit sa naturang Bulkan.

Ang mga hayop ay paunti-unti na din inililikas ngunit ang ilan sa mga hayop na malalaki ay hindi maisakay tulad ng kabayo, baka at kalabaw dahil sa kakulangan ng bangka.

Image mula kay Vanessa Gabinete Cuarto

Maraming hayop pa din ang naiwan sa isla na pilit sinasagip. Sa ngayon ay dasal ang pinagkakapitan ng marami na sana ay matigil na ang pag-alboroto ng Bulkan Taal dahil mapanganib sa kalusugan ang ibinubuga nito na abo.

Ang abo na ibinubuga ng Bulkan Taal ay maaari makasira sa ating respirat0ry system at Baga. Ang abo na ating malalanghap ay maaari sirain ang ating 0rgans dahil sa mga kemikal na halo nito.

Nawa’y matapos na ang lahat ng ito at maging mapayapa na ang lahat. Manalangin tayo at ipagkatiwala natin sa Diyos na hindi tayo mapapabayaan.

Loading...