Bayanihan sa Batangas at Cavite, Labis na ikinatuwa ng marami kahit pare-pareho ay apekatad0 ng Bulkan Taal

Loading...
  • Isa sa nakakagaan ng loob natin ngayon ang makita ang mga kusang tumutulong sa ating mga kababayan na nasalanta.
  • Wala man mga katungkulan sa ating bansa, ngunit patuloy pa din ang pagtulong sa ating mga kapwa.
  • Mga apektad0 din ng Bulkan Taal ngunit hindi malilimutan ang tumulong sa kapwa.

Maraming good samaritan ngayon ang mga kumakalat na ating makikita sa social media kung saan ay tumutulong sila sa abot ng kanilang makakaya.

Ang biglaan na pagbuga ng abo ng Bulkan Taal ay sumimbolo din sa pagpapatibay sa mga Pilipino at ang bayanihan ng mga Pilipino ay talagang ikaka-proud natin.

Naging isang bayanihan din ito sa lugar ng Batangas at Cavite kung saan mga kapwa ang nagtutulungan dahil hirap makapasok sa lugar na apektad0 ang mga donasyon dahil sa alikabok at abo.

Ang mga kapwa apektad0 ng ashfall ay kusang tumutulong din kaya maraming netizens ang talang maiiyak sa tuwa at umaapaw ang kaligayahan sa nakikita.

Ang mga lugar sa Batangas ay Cavite ay nagkaisa na talagang ikinaiyak ng marami. Basta kung ano ang maitutulong ay kanilang ginagawa sa abot ng kanilang makakaya.

Sa Batangas, may mga karinderya na libre nagpakain sa mga bakwit, nagbibigay ng libreng facemask, mga nagluluto ng pagkain at ibinibigay sa kalsada para sa mga dadaan na bakwit, mga tindahan na nag-aalok ng mga tubig, mga nakasasakyan nagbibigay ng libreng sandwich at tubig, mga rider na naghahatid ng facemask, nanay na nagtahi ng mga facemask at marami pang iba.

Sa Cavite bayan ng Alfonso, Tagaytay, Mendez at Silang, Nagbibigay ng libreng facemask, tubig para sa mga na-stranded sa sasakyan at ang mga talyer at ang mga residente ay tumutulong buhusan ng tubig ang mga sasakyan na dumadaan na puro ab0 ang windshield upang maiwasan ang disgrasya at makita daan.

Narito rin ang ilan komento ng mga netizens”

“Nakaka taba ng puso na madame pilipino ang my mabubuti loob..pero sana nmn po wg nmn sa plastic ilagay ang mainit na sopas madame disposable na cups nakaka cancer po yan salamat po paalala lng po.”

“Napaka heart whelming po..thank you po godbless you and families”

“Thank you mga kbbayan na handang tumulong at magbigay ng maitutulong sa mga evacuees.
God bless you all”

“Salamat po sa inyong malasakit at pag tulong sa ating kapwa.PAGPALAIN KAYO NG ATING PANGINOON.”

“Naiiyak ako sa mga nalikita ko.. sana maging ok na lahat”

Loading...