Small impact has a Great Impact: Tinapay at Kape na ibinahagi ng mga residente ng Matabungkay, Batangas sa mga biktima, Pinuri ng mga netizens

Loading...

Talaga namang sa ganitong mga sakuna, taos pusong tumutulong ang ating mga kapwa. Kilalang kilala ang mga Pilipino sa pagiging bukas ang kamay para mag abot ng tulong sa mga nangangailangan.

Kagaya na lamang nitong isang netizen na kung saan ay nagpaabot ng tulong sa mga biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon sa kaniya, hindi basehan kung ikaw ay mayaman. Ano mang tulong na iyong makayanan ay isa nang napaka laking bagay na.

Ayon sa kaniya “Small act has a great impact!” ang pag tulong ay hindi pinipilit. Ang pagtulong ay ayon sa iyong sariling kagustuhan.

Ang pagtulong ay kusang pinag kakaloob. Ang pag tulong ay hindi humihingi ng kapalit.

Siya ay si Benito Herrera Jr. nagsasabing “Hindi man mayaman, handang tumulong para sa mga nangangailangan na kababayan” makikita sa kaniyang pinost na mga larawan ay ang mga tinapay at sachet ng kape na kaniyang ipinagkaloob sa mga biktima.

Nagpaabot din siya ng lubos na pasasalamat sa mga nasabing taong sina Kap Ernie Cabahog at sa Buong Sanguniaang Baranggay ng Matabungkay.

Small act has a great impact! 🥰Hindi man mayaman, handang tumulong para sa mga nangangailangan na kababayan 🥰Salamat…

Posted by Benito Herrera Jr. on Sunday, 12 January 2020

“Hindi man ganun kalakihan or kadami ang aming naiabot na tulong, alam kong malaki ang maiitulong nito sa ating mga kababayan na biktima ng pagputok ng Bulkang Taal.”Dagdag pa niya.

Naway madami pang mga kababayan ang mga magpaabot ng tulong sa mga nabiktima. Samahan ng dasal para sa kaligtasan ng lahat.

Loading...