Residente sa Silang Cavite, Nagsasayaw ng Tala habang naglilinis ng bubong dulot ng Bulkan Taal Erupti0n, Viral 0nline

Loading...
  • Ang mga pinoy ay kahit anong klima o kalamidad ang mangyari, hindi mawawala ang pagiging masayahin.
  • Ang kantang Tala ni Sarah Geronimo ay nauso at maraming gumagawa na dance craze at cover.
  • Sa post ni Rince Jonh Regis Singco, habang naglilinis ng mga bubong ang residente ng Silang, Cavite ay sumasayaw sila ng Tala na may mga ngiti sa labi.

Sa kasalukuyan ay nasa Alert Level pa din ang mga lugar sa Batangas, Laguna at Cavite dahil patuloy pa din binabantayan ang Bulkan Taal.

Sa kabilang banda, ang mga residente ng Silang, Cavite ay nililinis na ang kanilang bubong upang hindi tumigas ang mga abo na ibinuga ng Bulkan.

Larawan mula kay Rince Jonh Regis Singco

Sa post ng netizen na si Rince Jonh Regis Singco, habang sila ay naglilinis ng kanilang bubong ay sumasayaw sila na isa sa sikat ngayon sa 0nline ang ‘Tala’ na kanta ni Sarah Geronimo.

Sa video ay mapapanood kung saan may babae na kumakanta sa videoke habang ang mga naglilinis ng mga bubong ay sumasayaw din na makikita na masaya sa ang kanilang mukha at may mga ngiti sa labi.

Larawan mula kay Rince Jonh Regis Singco

Kahit may unos o pinagdadaanan ang mga residente sa naturang lugar, hindi nila ito ininda sa halip ay pinagaan nila ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsayaw ng tala.

Hindi pa rin mawawala sa kanila ang pangamba dahil anuman oras ay hindi nila hawak ang bulkan taal kung ano ang mangyayari.

Sa ngayon, kumakapit na lang sila sa Panginoon at pagaanin ang kanilang loob na ikinatuwa naman ng ilan netizens at sinuportahan.

Tala dance challenge habang nag nililinis ng bubong

Posted by Rince Jonh Regis Singco on Sunday, 12 January 2020

Ang post ni Rince ay umabot na sa 8,000 reactions at 6,000 shares. May mga komento rin ang ilan netizens.

“Nice! Tawa lang mga kapatid! Matatapos din yan! Pagpalain kayo!”

“Dinaan sa pgkanta at pag sayaw ang pag llinis, saya nila tignan”

“Yan ang Pinoy sa kabila NG trahedya nagagawang masaya ang buhay!happy lang.”

“Ang pinoy nga naman kahit gaano kahirap ng sitwasyon o pagsubok na dumaan nagagawa parin nating maging masaya.”

Loading...