Nanay na magdidiwang ng 75th na kaarawan ipinakansela, Mas pinili tumulong at magbigay sa nasalanta ng Bulkan Taal

Loading...
  • Dumagsa ang mga tulong ng mga netizens sa iba’t ibang lugar para sa mga napinsal ang Bulkan Taal.
  • Isang nanay na magdiriwang ng kaarawan sa January 24, ipinakansela lahat ang venue, caterer live band, sounds and lightning, gown designer at make-up artist.
  • Mas pinili ni nanay ang magbigay ng relief goods at pangangailangan sa mga nasalanta ng Bulkan Taal.

Maraming mga netizens ang nagpapaabot ng tulong maliit man o malaki dahil kapag pinagsama sama ay marami na rin ito para makatulong sa nasalanta ng Bulkan Taal.

Larawan mula kay Sherwin Muling Tapang

Sa ngayon ay nasa Alert Level 4 pa din ang mga naturang lugar sa Batangas, Laguna at Cavite ngunit hindi rin tumitigil ang mga netizens na magpaabot ng tulong.

Isa na dito si Nanay Belen. Sa post ng kanyang anak na si Sherwin Mulingtapang, okay na daw ang lahat para sa kaarawan ni Nanay Belen.

Larawan mula kay Sherwin Muling Tapang

Ang mga sounds, lights, caterer, make up artist, live bands at event place ay naka-set na at planado na ngunit sa sa isang iglap ito ay nabago at ipinakansela.

January 12, 2020 nagkaron ng erupti0n ang Bulkan Taal at maraming napinsala ito. Kaya si Nanay Belen agaran niya ipinakansela lahat para sa kanyang kaarawan.

Mas pinili nito bumili ng bigas, tubig, pagkain at iba pang pangangailangan sa mga nasalanta ng Bulkan Taal.

FLEX KO LANG NANAY KO.. 💪🏻💪🏻💪🏻 75th BIRTHDAY NYA SA JANUARY 24..✅CATERER✅EVENTS PLACE✅LIGHTS AND SOUNDS✅MOBILE BAR…

Posted by Sherwin Mulingtapang on Tuesday, 14 January 2020

Ang post ni Sherwin ay umabot na sa 5,000 reactions at 2,000 shares sa loob ng isang oras. Maraming netizens din ang bumati kay nanay at hangarin na maging malakas ang kalusugan. Nagpapasalamat din ang iba kay Nanay dahil sa tulong na ibinigay niya dito imbis na pagtuunan ang kanyang kaarawan.

Sa kaarawan ni nanay belen ang tanging regalo niya sa kanyang sarili ay ang makatulong sa ating kapwa kaya ang mga netizens ay patuloy ang pagbati at paghanga sa kabutihan loob na ginawa ni nanay belen para sa mga apektad0 ng Bulkan Taal.

Larawan mula kay Sherwin Muling Tapang

Narito ang ilan komento ng mga netizens kay Nanay.

“Advance Happy Birthday po nanay maraming salamat po sa tulong na maibibigay nyo sana ay patuloy kayong pagpalain ng ating Panginoon”

“Happy birthday po Nanay Mas pagpalain kapa po Nanay… Marami ka po matutlungan… Godbless ur family,”

“Sanay madami pa po kayong birthday na dumating sa buhay nyo. Godbless po sa inyong kabaitan”

“Thank u po nanay belen.npakabuti po ng puso nyo.godbless po at hapi b-day po sa inyo”

Loading...