MELASON nanguna at nag-impake na din ng mga bigas,kape, tubig, at iba pang pangangailangan para ipadala sa Taal Batangas

Loading...
  • Ang pamilya MELASON ay nanguna at naghikayat na din tumulong para sa mga nasalanta ng Bulkan Taal.
  • Ang MELASON at ang pamilya nito ay tulungan na nag-impake ng mga pagkain, tubig, delata, noodles at iba pang pangangailangan para ipadala sa Taal Batangas.
  • Hinikayat din nito ang ilan nilang mga kakilala at malapit na kaibigan upang makatulong at makadagdag sa mga pangangailangan ng mga biktima sa Taal Batangas.

Ang panahon ng kalamidad at bagsik ng panahon ay hindi talaga masasabi ng kahit sino. Mangyayari ito kahit anuman ang mangyari.

Maraming mga simpleng residente sa iba’t ibang lugar ang mga kusang tumutulong at nagpapahatid ng mga pangangailangan sa mga nasalanta ng Bulkan Taal.

May mga rider din na pumupunta sa mga nasalanta para tumulong, mga simpleng residente na nililinis ang mga sasakyan dumadaan na puro ab0 ang windshield, libreng pakain at iba pa.

Larawan mula kay Inday Rica Castano

Sa mga Celebrity, Nagsimula na din ang pamilya MELASON na sila Melai Cantiveros-Francisco at Jason Francisco na magsagawa para mag-impake ng mga pagkain, tubig at mga pangangailangan ng mga residente na nasalanta ng Bulkan Taal.

Ayon sa post ni Inday Rica Castaño, hindi nagdalawang isip ang MELASON na tumulong kaya agaran sila namili ng mga pangangailangan lalo na ang pagkain at sinimulan ang pag-repack ng mga food reliefs.

Larawan mula kay Inday Rica Castano

Iniimpake ng MELASON family, friends at team ang mga pangunahin pangangailangan tulad ng bigas, kape, tubig, delata, at noodles habang tumutulong din ang dalawa nilang anak na si Mela at Stela.

Kasama din tumulong mag-impake ang ibang kasamahan sa PBB Pinoy Big Brother na ibang mga housemates, magulang ng Melason at iba pang kaibigan.

Simulan na namin ang packing ng mga relief goods para sa mga nasalanta ng Bulkan Taal! Kunting tulong para sa mga taong…

Posted by Inday Rica Castaño on Monday, 13 January 2020

Sa ganitong paraan daw ay maipadama nila ang kanilang malasakit at pagtulong sa mga nasalanta kahit sa simpleng paraan ay makatulong sila sa pagtug0n ng mga nasalanta.

Likas na talagang matulungin at masiyahin ang pamilya MELASON, sa oras din ng kagipitan ay malalapitan talaga sila. Maraming netizens ang humanga sa pamilya na ito dahil makamasa at talagang naiintindihan ang mga nangyayari. Maraming salamat MELASON!

Loading...