Kalagayan ng Kabayo malapit sa Bulkan Taal, Buhay ngunit nababalutan ng makakapal na abo sa katawan, mga netizens naiyak

Loading...
  •  Isa sa pinupuntahan sa Tagaytay ng mga turista ay ang horse riding dahil mababait ang mga kabayo na talagang masasakyan.
  • Nagkaroon ng erupti0n ang Bulkan Taal, Linggo Enero 12. Maraming hay0p ang hindi nailigtas at isa na dito ang mga kabayo na malapit sa Bulkan Taal
  • Makikita sa video ang mga kabayo ay nababalutan ng makakapal na abo na tila hirap gumalaw.

Imahe mula sa video ni Erwin Cambronero

Ang mga kabayo ay isa sa nagtrabaho para sa mga turista. Sinasakay at nililib0t nila ang mga turista na gustong sumakay sa kanila.

Ngunit, isang pangyayari ang hindi inaasahan ang pagput0k ng Bulkan Taal kung saan maraming kabayo ang hindi nailigtas.

Sa video ng netizen na si Erwin Cambronero, nagtungo sila sa lugar malapit sa Taal Volcano upang silipin ang mga hay0p pang nabubuhay.

Marami silang nakita na hay0p tulad ng Kabayo, Baka at Aso. Ayon kay Erwin nasa sampung kabayo ang kanilang nakita na nababalutan ng makakapal na abo sa katawan.

Mga buhay pa ngunit hindi na maganda ang kondisy0n. Kailangan ng tubig at makakain kahit kaunting damo. Ang mga damo sa paligid ay nababalutan ng din ng abo kung saan mapanganib din sa mga hay0p.

Ayon kay Erwin maraming hay0p pa daw ang naroon ngunit mahihirapan sila ilikas lahat. Humingi na rin daw ng tulong sila Erwin sa L.G.U at hinihintay na lamang ang responde.

Imahe mula sa video ni Erwin Cambronero

Ang mga kabayo ay nakatali lamang, na ang hiling ng ibang netizen na nakapanood sa video ay sana pinakawalan na lamang upang makaligtas dahil marami naitulong din ang mga kabay0 sa mga residente na ginawa itong hanap-buhay.

Ang post na video na ito ni Erwin ay nag trend sa social media kung saan maraming netizens ang naiyak habang nakikita ito na tila parang nasasaktan sila habang nakikita ito.

This breaks my heart 😢(yung nakakapit sa balat nila is makapal na klase ng abo na parang semento na)

Posted by Erwin Cambronero on Monday, 13 January 2020

Humihingi rin ng tulong si Erwin sa mga netizens na mailigtas ang mga kabay0 at iba pang hay0p na naiwan malapit sa Taal Volcan0.

Nawa’y may mga hay0p din na mailigtas dahil sila ay may buhay din at ngayon nahihirapan dahil walang naglilikas sa kanila.

Loading...