“Dito nadapa, Dito din babangon” Netizen na biktima ng Bulkan Taal, nananatili masiyahin at positibo 

Loading...
  • Phreatic Expl0si0n ng Bulkan Taal ay hindi inaasahan ng marami at marami rin ang hindi napaghandaan ito.
  • Maraming residente ang na-stranded sa kanilang mga bahay at sasakyan na ikinabigla rin nila.
  • Ngunit, naging positibo ang mga pinoy na apektad0 nito katulad na lamang ng netizen na si Edwin Pascua.

Sa post ng netizen na si Edwin Pascua mula sa Talisay Batangas, ang kanilang bahay ay nabalutan ng makakapal na abo at buhangin na ibinuga ng Bulkan Taal.

Sakay sila ng isang bangka patungo sa kanilang bahay habang may suot na proteksyon sa mga mata upang maiwasan din ang pagpasok ng abo sa kanilang mata at nagmamadali din balikan ang kanilang mga naiwan.

Larawan mula sa video ni Edwin Pascua | Facebook

Nananatili silang positibo at may ngiti pa din sa kanilang labi. Sa video ay makikita na kinukuha nila ang mga pagkain na natira sa kanilang bahay.

Nasa loob ang kanyang ama na nag-aabot sa kanila ng mga pagkain galing sa loob ng kanilang bahay.

Larawan mula sa video ni Edwin Pascua | Facebook

Inilalabas din nila ang mga naiwan sa kanilang bahay na magagamit din nila sa pangangailangan nila habang sila ay lumilikas.

Ayon kay Edwin, sa lugar nila ay doon din sila babangon kahit doon sila nadapa. Sa palibot ng kanilang lugar ay makikita na nababalutan lahat ng abo.

Parang isang disyerto kung pagmamasdan dahil halos wala nang makita dahil tanging hugis ng mga puno, mga sanga ng halaman at bahay na puro abo ang paligid.

Dto nadapa, dto din babangun

Posted by Edwin Pascua on Monday, 13 January 2020

Lumikas na rin ang ilan residente at ang kanilang mga bahay ay nasira na at tila hindi na makita dahil sa kapal ng abo.

Ilan kilometro lamang ang lapit nila sa Bulkan Taal kaya agad din silang kumikilos upang makaalis agad sa nasabing lugar.

Maraming netizens ang mangiyak-ngiyak habang napapanood ang video na ito samantalang ang pamilya ni Edwin ay positibo pa din na may halong ngiti sa kanilang mga mukha.

Hindi sila nawawalan ng pag-asa at muling babangon. Ito ay sagisag din na ang mga pinoy kahit anong kalamidad ang dumating ay nananatiling matatag at likas na masiyahin.

 

 

Loading...