Rosario Resort And Hotel, Nag Alok Ng Free Accommodation Para Sa Mga Nasalanta Ng Bulkang Taal

Loading...

Aminin man natin o sa hindi, ang pagputok ng Taal Volcano ay hindi natin napaghandaan.

Napakadaming nawala at mawawala kung hindi ito maaagapan. Gayun pa man, ang pagputok nito ay hindi natin kasalanan.

Ngunit kailangan natin gumawa ng paraan para mailigtas ang ating mga sarili kasama ng ating mga pamilya.

Ngayong January 13 ay nag alok ng tulong ang Rosario Resort And Hotel na kung saan sila ay mag bibigay ng FREE ACCOMMODATION.

Ayon sakanila, “If you need a place to stay because of the Taal Volcano Eruption, Rosario Resort and Hotel is willing to offer an evacuation center for those in need.” 

Nakikitang isang kakulangan bukod sa pagkain ay ang malilikasan. Mapapagpahingahan ng isang pamilyang wala namang matutuluyan.

Ang alok ng isang Resort na to ay sadyang napakalaking tulong. Paano na nga lang naman ang mga taong walang bubong na masisilungan?

Dagdag pa nila, “We are offering our Grand Pavilion for free accommodation, but in case you want a private room, we are offering special rates.”

Kung gusto mo naman ng pribadong kwarto ay bibigyan ka nila ng discount na kung saan isa ding malaking tulong para sa perang nakalaan pa sa iba pang pangangailangan.

Ibinigay nila ang kanilang eksaktong lokasyon na National Highway, Brgy. Quilib, Rosario, Batangas. Kung nais mo naman mag pareserve, maaari silang ma- contact sa (Smart) 0949 990 6350 | (Globe) 0977 806 4396 | (Tel. No.) (043) 724 7944, or email us at reserve.rosario@gmail.com   

Source: I Love Rosario, Rosario Resort and Hotel

Loading...