Residente sa Silang Cavite tumutulong sa pagbubuhos ng tubig sa windshield ng mga sasakyan na dumadaan na naapektuhan ng ashfall galing Tagaytay

Loading...
  • Ang pag-eruption ng Bulkan Taal ay biglaan lamang kaya marami ang naapektuhan nito lalo na mga nasa labas.
  • Linggo at maganda ang panahon ngunit naganap ang phreatic expl0si0n ng Taal V0lcano
  • Sa kabila nito, Ang mga residente ng Cavite na malapit doon ay tumulong sa mga sasakyan na naapektuhan ng ashfall.

Larawan mula sa Video ni Aren Venice Ambojia

Ang biglaan na phreatic expl0si0n ng Bulkan Taal ay nagbuga ito ng mga ash, buhangin at putik kung saan naapektuhan ang ilan sasakyan at bahay.

Maraming sasakyan ang naapektuhan na nanggaling at papunta sa Tagaytay dahil tuwing araw ng Linggo ay dagsa talaga ito ng mga turista.

Sa kabilang banda, ang netizen na si Aren Venice Ambojia mula sa bayan ng Silang, Cavite ay nagbahagi ng video ng kanilang simpleng pagtulong sa mga sasakyan.

Karamihan daw ay galing sa Tagaytay kaya ang putik at ashfall ay talagang kumapit sa kanilang sasakyan at windshield.

Tinulungan ng grupo nila Aren ang mga nadaan na sasakyan na na-stranded at naapektuhan ng ashfall upang maging ligtas sa kanilang byahe.

tulong muna tayo guys 😇😌from tagaytay po karamihan sa mga sasakyan

Posted by Aren Venice Ambojia on Sunday, 12 January 2020

Sa caption ni Aren, “Tulong muna tayo, guys. From Tagaytay po karamihan sa mga sasakyan”. Ang video na ito ay umabot na sa 47,000 reactions at 34,000 shares sa loob ng 18 hours lamang.

Humanga ang ibang netizens at binigyan papuri ang grupo nila Aren. Maraming netizens din ang gustong tumulong sa mga naapektuhan ng ashfall at eruption ng Taal Volcano.

Isang taimtim na pangalangin sa atin lahat lalo na sa naapektuhan sa Taal Volcano Eruption nawa’y maging ligtas ang lahat.

 

Loading...