Mga Hayop dapat din iligtas sa gitna ng kalamidad tulad ng pag-alboroto ng Bulkan Taal, Giit ng mga netizens

Loading...
  • Hindi pa rin natatapos ang pag-aalboroto ng Bulkan Taal na mahigpit pa din binabantayan ng Philvocs.
  • Ang mga pinong bato na na ibinubuga ng Bulkan na ito ay mapanganib sa ating kalusugan kapag ating nasinghot.
  • Ang mga hayop ay kailangan din bantayan dahil masama din sa kanilang kalusugan na maaari ikaput0k ng kanilang baga.

Mga Larawan mula sa Furr Station Facebook page

Ang pagganap ng phreatic expl0sion ng Bulkan Taal ay biglaan at hindi inaasahan kaya maraming residente ang hindi handa.

May mga taong na-stranded, na-alarma, at mga hayop na hindi kagad nailigtas dahil sa biglaan na pangyayari na ito.

Sa kasamaan-palad, may mga larawan at viral na lumalaganap sa social media ng mga hayop na napabayaan.

Gayun pa man, maraming animal lovers ang nagpa-alaala,, isa na dito ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS).

Ayon sa mga animal lovers, ang mga apektad0ng mamamayan ay isama sana ilikas ang kanilang mga alagang hay0p.

Sa Facebook post ng PAWS, ini-anunsyo nila na magsasagawa sila ng Ocular Inspection ayon sa sitwasyon sa Batangas at titignan nila kung ano ang kaya nilang gawin para sa mga hay0p.

Imahe mula sa PAWS Facebook page

May paalala rin ang PAWS sa mga may alagang hay0p at lugar na may mga hay0p na ilayo din sa panganib ang mga alaga lalo na sa ashfall.

Una, panatilihin ang mga alagang hay0p sa loob ng tahanan. Kung malaki ang hay0p, ipas0k ang mga ito sa isang ligtas na lugar o tirahan na maiiwasan ang ashfall.

Pangalawa, siguraduhin din na walang abo ang kanilang kinakain o kakainan. Maigi na hugasan ito at ang mga pagkain tulad ng damo na ipapakain sa mga kambing, tupa, baka o kalabaw.

Ikatalo, bantayan din ang alagang hay0p kung ito ay inuubo o nahihirapang huminga. Maaari makitaan ng sintomas epekto ng ashfall.

Ikaapat, kung na-exposed sa abo ang alagang hay0p, punasan o paliguan ang mga ito. Siguraduhin hindi nila madidilaan ang mga abo sa kanilang katawan.

Ikalima, Mas maigi din na maglinis ng kapaligiran. Basain ng walis ang mga ab0 sa paligid ng bahay.

Maaari din ikasira ng mga mata ng hayop at magresulta ng pagkabulag ang mga abo na ibinubuga ng Bulkan. Maaari din makasira sa kanilang respiratory system.

Source: PAWS

Loading...