Lalaki nasulyapan na namimigay ng libreng Face Mask sa Gma, Cavite sa mga naapektuhan ng Bulkan Taal Erupti0n

Loading...
  • Namataan ang isang lalake na nagbibigay ng libreng Face mask sa tabi ng kalsada sa may General Mariano Alvarez sa Cavite
  • Ayon sa netizen na si Karmela Dasig Ramos, makikita ang lalake na may dala na sign board na “Face mask for Free”.
  • Maraming netizens ang humanga at nagpasalamat dito dahil kahit isa siya sa apektad0 ay hindi nakalimutan tumulong.

Maraming lugar ang apektad0 ng mga Abo na ibinuga ng Bulkan Taal kung saan may masamang epekt0 sa kalusugan ng mga tao at hay0p.

Sa kabila nang mga nagbebenta ng mga Face Mask na s0brang mahal, may isang lalake na ibinibahagi lamang ng libre para sa mga naapektuhan.

Ang lugar na apektad0 tulad ng Batangas, Laguna at Cavite ay nahihirapan na makabili ng mga Face Mask dahil nagkakaubusan at nakukulangan na ng supply.

Subalit ang lalake na ito ay nagbibigay pa ng libreng Face mask kahit na isa siya sa apektad0 ng ashfall.

Sa Facebook post ni Karmela Dasig Ramos, nakatayo ang lalake sa harap ng Savemore na nasa gilid ng kalsada kung saan ay kusa niyang iniaabot sa mga tao ang Face mask.

Guys sa tapat ng savemore gma, Cavite. may namimigay ng face mask for free. God bless sayo kuya 😇

Posted by Karmela Dasig Ramos on Sunday, 12 January 2020

Nag-trend sa social media ang post ni Karmela na umabot na sa 100,000 reactions at 100,000 shares at umani ng papuri ang lalake na nasa larawan.

Maraming netizens ang humanga sa ginawa ng lalake dahil sa kalagitnaan ng kalamidad ay hindi siya nagdalawang isip tumulong.

Maraming netizens ang may iba’t ibang komento.

“Buti pa si kuya kahit naapektuhan ng ashfall libre lang ibinibigay ang mask”

“Godbless you kuya. Kumpara sa mga mapagsamantala ginawang neg0sy0 ang face mask.”

“Ganyan dapat. Ibigay ng libre lalo na kulang sa supply, hindi tulad ng iba magbebenta na lang, ang mahal pa!”

Loading...