Karinderya nagbigay ng libre pakain at pagkain para sa mga evacuees na naapektuhan nang pagsabog ng Bulkan Taal

Loading...
  • Isang karinderya sa Bauan Batangas ang nagbigay ng libre pagkain para sa mga bakwit.
  • Ang kanilang tinda ay libre na lamang nila ibinahagi sa mga naapektuhan sa eruption ng Bulkan Taal.
  • Marami ang humanga sa pamilya na ito kahit na naapektuhan ay tumulong pa din sa mga nangangailangan.

Larawan mula kay Angel Efryl Castillo

Ang mga pangyayari tulad ng lind0l, bagyo, baha at pagput0k ng mga bulkan ay hindi mapigigilan ng kahit sino man.

Isang pangyayari ang hindi inaasahan ng marami dahil biglaan lamang ang pagsabog ng Bulkan Taal sa Batangas.

Larawan mula kay Angel Efryl Castillo

Ang mga labis na naapektuhan ay ang malapit at nakapaikot na mga lugar tulad ng Batangas, Cavite at Laguna.

Ang Cavite, Batangas at Laguna ang isa sa pinakamaraming botante sa buong Pilipinas kaya hindi maiiwasan kung gaano din karami ang naapektuhan.

Ngunit sa kabilang banda, May isang karinderya na libre na lamang nila ibinahagi sa mga kababayan na naapektuhan nang Eruption ng Bulkan Taal.

Larawan mula kay Angel Efryl Castillo

Ibinahagi ni Angel Efryl Castillo ang kanilang Free Food Karenderya para sa mga Evacuees kung saan ay libre lamang makakakain dito.

Ang M. Castillo Eatery ay nagbahagi ng ilan larawan na at nag-trend sa social media dahil maraming netizens ang napahanga ng pamilyang ito.

Larawan mula kay Angel Efryl Castillo

Sa harap ng kanilang tindahan ay nakasulat ang “Free Food” at ”To all Evacuees Free Food Free!”

Maraming nagpunta at kumain sa kanilang karinderya na mga bakwit na ikinasaya din ng pamilya dahil nakatulong sila sa abot ng kanilang makakaya.

Free food to all evacuees!! Malapit lang po sa kanto ng manghinao 😇 Feel free to come po! 💖 Salamat din po sa mga nagbigay ng tulong.😇God Bless us all

Posted by Angel Efryl Castillo on Sunday, 12 January 2020

Ang post ng netizen na ito ay umabot na sa 30,000 reactions, 2,500 comments at 29,000 shares sa loob lamang ng dalawang oras.

Sa panahon na ganito, tanging tayo-tayo lamang ang magkakadamay at magtutulungan lalo na kung may nakikita tayo nangangailangan. Saludo din kami sa pamilya na ito na handang tumulong sa abot ng kanilang makakaya.

Loading...