Isang Talyer sa Silang Cavite, apat na oras hinuhugasan nang libre ang mga dumadaan na sasakyan na nabalutan ng Abo

Loading...
  • Dahil sa eruption ng Taal Volcano at biglaan ang phreatic expl0sion nito, maraming sasakyan ang na-stranded at nabalutan ng abo.
  • May isang Talyer na namataan ang GMA NEWS kung saan naglilinis ito ng windshield sa mga dumadaan na sasakyan.
  • Maraming netizens ang pumuri sa talyer na ito at hinangaan dahil sa tulong na ginawa kahit isa sila sa napinsala din.

 

Larawan mula sa Video ng GMA NEWS

Ang bayanihan ng mga Pilipino ay hindi mawawala lalo na sa oras ng kalamidad. Isang Talyer sa Silang Cavite ang namataan na naghuhugas o naglilinis ng windshield na libre.

Ayon sa GMA NEWS, hindi daw tumatanggap ng pera ang kusang naglilinis ng mga windshield ang Talyer Boys na ito.

“Maraming nag-aabot ng pera pero di namin tinatanggap dahil gusto naming tumulong sa mga tao,” ayon sa may-ari ng talyer.

Maraming netizens ang nabihag ang kalooban sa ginawang tulong ng Talyer na ito at malaki din ang pasasalamat ng mga may sasakyan na nabalutan ng abo dahil malaking tulong ito sa kanila.

Ayon sa mga residente ng Silang, Ang maitutulong nila sa mga na-stranded na sasakyan at nabalutan ng Abo ay ang paglilinis ng windshield upang maiwasan ang sakuna.

Talyer, naglilinis ng sasakyang balot ng ashfall ng libre

Isang talyer sa Silang, Cavite ang halos 4 na oras nang libreng hinuhugasan ang mga dumaraang sasakyan na balot sa abo. "Maraming nagaabot ng pera pero di namin tinatanggap dahil gusto naming tumulong sa mga tao," ayon sa may-ari ng talyer. | via Jonathan Andal/ GMA News

Posted by GMA News on Sunday, 12 January 2020

Ang windshield kapag nabalutan ng buhangin o abo ay hindi pwede i-wiper o basain ng kanilang tubig gamit ang sasakyan dahil magpuputik o masisira ang kanilang windshield na mas delikado.

Kaya minabuti ng mga residente ng Silang, Cavite lalo na ang Talyer na ito ay hugasan at linisin ng husto ang kanilang windshield.

Source: GMA NEWS

Loading...